Sarah Geronimo, nagamit ng mga raketero sa Tate

Sarah Geronimo, nagamit ng mga raketero sa Tate

Sarah-GeronimoNAGWALA SA social media ang Popsters ni Sarah Geronimo.

Kasi naman, merong mga raketero na gumamit kay Sarah at pinalabas na meron itong meet and greet sa US.

Nalaman ng Viva Enterainment ang gimik na may meet and greet event ang Pop Star last January 14, 2015 sa Celebrity Centre International, Franklin Avenue, Hollywood, California. Ang chika, for $100 ay may chance ang fans na makapagpa-picture at makasama ang dyowa ni Matteo Guidicelli.

Kaagad na nag-issue ng statement ang Viva Communications through its legal department na lumabas sa Facebook fan page ni Sarah.

“Attention of the general public is drawn to the fact that a group of individual is claiming to have organized a “Meet and Greet with Sarah G” event on 14 January 2015, at the Celebrity Centre International, Franklin Avenue, Hollywood, CA. Said individuals are selling tickets for the event at a rate of USD100.00.

“This is to inform the public that Ms. Sarah Geronimo has not made any commitment to appear or participate in the abovementioned event. Neither has Ms. Geronimo agreed to the sale of the tickets at a rate of US100.00.

“For the benefit of the general public.”

Ang fans ni Sarah galit na galit sa gustong gumamit sa kasikatan ng idol nila.

“Sobrang sikat kna tlga…kc ginagamit nila pngalan mo para mkapagpera. Dapat silang hulihin,kakahiya nman:(“

“Pakapalan na nang mukha makapang dugas lang at maipalamon sa pamilya nila na halak ang bituka 2ng mga tamad na tao na ito na di humanap nang trabahong marangal at nangluluko pa nang kapwa hoy!!! mabulunan sana kayo sa pangdurugas nyo mga idiot!!!”

‘Yan ang mga katsang ng Popsters sa Facebook.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas