SARAH GERONIMO, NAG-POWER-TRIP KAY CHAREE PINEDA?!

ADVERTISING

 SARAH GERONIMO, NAG-POWER-TRIP KAY CHAREE PINEDA?! AWA ANG NARAMDAMAN namin para sa pretty young star na si Charee Pineda sa naging karanasan niya kay Sarah Geronimo. Karanasang kailanman ay hinding-hindi na niya makakalimutan.

Ayon sa kuwento, part ng cast si Charee sa ginagawang movie nina Sarah at Gerald Anderson under Star Cinema, best friend ni Sarah ang role ng pretty young star. Excited daw si Charee nang malamang makakasama niya ang Pop Princess with Gerald pa na kapareha nito sa isang movie. Siyempre, pinaghandaan daw na mabuti ‘yon ni Charee at prepared nga raw ito nung pinag-report na sa shooting.

ADVERTISING

Pagdating daw sa set ay hindi malaman ni Charee kung saan siya pupuwesto dahil ang sabing supposedly ay doon siya sa tent ni Sarah ay hindi natupad dahil punung-puno raw ng kagamitan ng Pop Princess ang tent plus ang dalawang yaya pa nito, ang nanay at ang mga bodyguards na kasama. Naki-share na lang daw si Charee sa isa pang tent na inu-occupy naman ni Gerald at ng iba pang cast.

Bago raw pinagbihis si Charee ay sinabihan itong hindi na best friend ni Sarah ang role at imbes ay office girl na lang. Wala naman daw naging problema kay Charee, since nandoon na raw siya ay itinuloy na niya kung anuman ang role niya dahil ang habol niya’y ang chance na makatrabaho sina Sarah at Gerald.

Pinagbihis na nga raw si Charee at minieyk-apan. Maya-maya ay nilapitan raw si Charee ng wardrobe at pinagpapalit ito ng damit dahil pareho raw sila ng kulay ng damit ni Sarah. Akmang magpapalit naman daw ng damit si Charee, pero may nagsabi ritong huwag na dahil nauna naman siyang magbihis kay Sarah kaya ang dapat daw ang magpalit ay ang Pop Princess. Sumunod naman daw si Charee sa kung ano ang sinabi sa kanya at tahimik lang ito.
Pero ang mga sumunod na pangyayari ay nagbigay ng pagkagulat at pagkabigla sa pretty young star.

ADVERTISING

Lumabas daw si Sarah at nilapitan siya sabay dayalog ng ganito; “Ang ganda mo! Ang ganda-ganda mo! Sige, ikaw na ang lead! Ikaw na ang bida dito!” Sinasabi raw ito ni Sarah ng nakatawa, pero sarcastic ang dating.

Medyo nagulat daw si Charee at hindi malaman kung ano ang gagawin. Tahimik lang daw ito at naka-smile pa rin. Pero napaisip daw ito sa ginawang ‘yon ni Sarah. Sey raw ng pretty young star, kung nagbibiro raw si Sarah nang sabihin ‘yon, bakit naman daw, eh hindi naman sila close? Kung nagpapatawa naman daw ito, wala namang tumawa at nagulat pa nga ang mga naka-rinig.

May lumapit daw kay Charee at sinabing huwag ng mag-react dahil ganoon daw talaga ang mga insekyurada. Nainsekyur daw sa kanya si Sarah dahil nagmumura daw ang ganda nito sa simpleng make-up at suot. Napa-smile na lang daw si Charee nang sabihin sa kanya ito.

Muling ikinagulat ni Charee ang mga sumunod na pangyayari dahil kahit alam niyang may apat na shooting days pa siya para sa movie na ‘yon, sinabihan daw itong wala na siyang shooting at tapos na ang eksena niya.

Naloka raw ang pretty young star, pero parang halos alam na raw nito kung bakit “nawala” na siya sa pelikula.

Nag-power-trip si Sarah? Ayaw ni Cristine Reyes ng ganyan, huh! Hayyyyy…

 SARAH GERONIMO, NAG-POWER-TRIP KAY CHAREE PINEDA?!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING