Sarah Geronimo, nag-aaral nang magluto bilang paghahanda sa buhay may-asawa

ADVERTISING

Sarah Geronimo, nag-aaral nang magluto bilang paghahanda sa buhay may-asawa

Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

Getting ready na ba si Sarah Geronimo na magpakasal kung sakali?

Sabi kasi, kaya raw nag-enrol ang pop-princess ng cooking under Chef Gene Gonzales sa kanyang Asian Culinary Studies and Café Ysabel Inc. ay  para paghandaan ang pag-iisang dibdib nila ng boyfie na si Matteo Guidicelli.

‘Di nga ba’t it’s the same culinary school kung saan din nagtapos ang kanyang Ate Judy Ann Santos bago ito nag-decide na magpakasal sa boyfie na si Ryan Agoncillo?

Nakabakasyon ngayon si Sarah Geronimo mula sa kanyang mga trabaho kaya kaysa tumunganga, heto’t nag-aaral siya ngayon sa same culinary school kung saan din natagpos sina Janice de Belen at ilang showbiz personalities natin na nahihilig magluto at gustong maging magaling na “wifey”, lalo pa’t may kasabihan nga na the best way to a man’s heart is through his stomach na siyang akma naman sa mga “future husband” na mga celebrities natin na mahilig kumain.

ADVERTISING

Kung sa bagay, worth the vacation naman ang hiniling ni Sarah mula sa kanyang manager at pamamaalam saglit ng Pop Princess sa showbiz. Alam n’yo na!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING