Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, pinagduduhan kung tatagal ang relasyon

ADVERTISING

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, pinagduduhan kung tatagal ang relasyon

Matteo-Guidicelli-Sarah-GeronimoNANOOD NG movie sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Bonifacio High Street recently and it was captured through the lens. Nakunan ng photo ang dalawa habang sakay ng escalator. Nakahawak si Sarah sa braso ni Matteo na nakatawa nang sila ay makunan ng photo.

Marami ang kinilig sa picture na ‘yon which came out in one popular blog. It was most commented, talagang kilig na kilig ang lahat. Ang nakakaloka lang, meron pang mga nag-joke na baka nga raw ang mommy pa ni Sarah ang kumuha ng picture. Tiyak daw kasing kasama nila ang madir ng aktres habang nanonood sila.

“I love this. Kitang-kita mo kung gaano kasaya si Matteo. Sana hayaan na sila ni Mommy Divine. I’ve always admired Sarah; pinag-aral ang mga kapatid. And take note, sa ibang bansa pa. Time naman na sarili niyang happiness ang unahin nya. Yang happiness na yan ang di kayang ibigay ng pamilya nya,” may pakiusap na comment ng isang  avid Sarah fan.

“See how proud matteo is to be with sarah g, until now siguro iniisip pa rin niya gaano siya ka-swerte that his dream came true..dont worry matt, ang swerte din ni sarah sa’yo..hope kayo na forever..love love love!” sabi naman ng isa pa.

ADVERTISING

Marami ang nagdududa kung tatagal ang relasyon ng dalawa. Alam naman ng lahat kung gaano kakontra ang madir ni Sarah kay Matteo. Until now yata ay hindi pa rin niya ma-take na nobyo na ng kanyang anak ang hunk actor-racer.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING