Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, may basbas na ang relasyon?

ADVERTISING

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, may basbas na ang relasyon?

Matteo-Guidicelli-Sarah-GeronimoLALONG TUMIBAY ang sinasabing espesyal na relasyon na namamagitan kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa lumabas na kuha ng mga larawan ng dalawa na magkaakbay na kasama ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo at ilan sa mga kasamahan nilang runners.

Sa tingin namin ay mukhang pinapayagan na nina Mommy Divine at Daddy Delfin ang anak sa pakikipagrelasyon nito kay Matteo at may basbas na ang mga ito sa relasyon ng dalawa. Sa presscon ng Maybe This Time na mapapanood na sa May 28, iwas na pag-usapan ang tungkol sa kanila ng aktor pero naniniwala siya na lahat ng nangyari sa kanila ay hindi pinilit o plinano at may rason ang Diyos kung bakit nila pinagdadadaanan ito.

Sa ngayon, dobleng ingat sa pakikipagrelasyon si Sarah sa dami na rin ng mga sakit na pinagdaanan dahil sa pag-ibig pero hindi mo rin mapipigilanang sarili mo kung saka-sakaling may magpakita na malinis naman ang intensiyon. Labis ang pasasalamat sa mga magulang na nandiyan at laging nakaagapay sa kanya, sa edad na 25 kahit paunti-unti at dahan-dahan ay hinahayaan na rin nila si Sarah na magdesisyon para sa kanyang sarili.

Maaga pa para sabihin kung sina Matteo at Sarah na nga ba ang para sa isa’t isa, pero kung sinasabi na suwerte ang aktor na nabihag nito ang puso ng Pop Princess, masasabi naman namin na suwerte rin ni Sarah kay Matteo dahil bukod sa galing sa isang mabuting pamilya ang aktor ay mabait, very humble at napaka-approachable nito.

ADVERTISING

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING