Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, matagal nang gustong umamin

ADVERTISING

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, matagal nang gustong umamin

Sarah-Geronimo-Matteo-GuidicelliNAGING MALAKING issue sa showbiz nang i-post ni Wenn Deramas sa kanyang Facebook account ang text message ni Matteo Guidicelli para kay Sarah Geronimo. Nang dahil sa pangyayaring ito, inamin na ng Pop Princess ang relasyon nila ng hunk actor.

Natatawang ikinuwento ni Direk Wenn ang pangyayari. Magkasabay kasi sila ni Sarah na tini-text ni Matteo.”Nagkamali siya ng sent. Sila naman talaga, matagal ko nang alam. Sobrang close kami ni Matteo, baby ko siya. Kahit hindi pa kami nakapagtatrabaho ni Matteo, kahit saan kami magkita palabati ‘yung bata.”

Sinabi ni Direk Wenn na madalas banggitin ni Matteo si Sarah sa kanya. “Alam ko from day one. Siyempre, respeto mo du’n sa tao kapag nagko-confide sa ‘yo ng kung anu-ano, pero hindi mo ilalabas. Mahal na mahal niya si Sarah. Pero hinihintay niya si Sarah, ‘di ba? Mula “Galema” hanggang ligawan at naging sila.

“Matagal nang gusto ni Matteo si Sarah. Pero alam ko, may cute na kuwento pa ‘yan 5 to 6 years ago. Crush na niya si Sarah, sinasabi na niya. Matagal na. At saka that time, alam niya kung liligawan niya si Sarah, hindi rin naman ito magbo-boyfriend. So, lahat nasa tamang pagkakataon so, sobrang tamang edad na si Sarah, 26 na siya. So, she’s old enough para magka-boyfriend. Si Matteo is 24, wala namang problema sa edad nila.”

ADVERTISING

Sa takbo ng relationship nina Matteo at Sarah, wish ni Direk Wenn, sana walang maging problema sa kanilang love affair. Very much happy siya sa dalawa dahil alam niyang mahal na mahal ni Matteo si Sarah. Ano ang reaction ni Direk Wenn  na siya ang naging dahilan para umamin si Sarah sila na nga ni Matteo ?

Pabirong sagot ni Direk Wenn, “Binayaran ako ni Matteo d’yan, hahaha! Hindi, natutuwa ako, kasi liberating para sa kanila pareho. Silang dalawa, gustung-gusto na rin nilang umamin. Naghahanap lang talaga ng tamang-tamang timing. Nagkataon na every day talaga nagte-text kaming dalawa ni Matteo. Super good morning ‘yan sa umaga, good morning Direk, tapos ng good morning, good morning mahal. Sabi ko, ha, mahal mo ako? Sabi ko na nga ba?”

Hindi naman akalain ni Direk Wenn na ganu’n sasabog ang balitang nai-post niya sa FB na text ni Matteo sa kanya. Umabot ng TV Patrol. Right after nu’n, pinaalam ko naman sa kanya. Sabi ko, ‘Matteo, ilalabas ko ito. Nakakatuwa ito sa FB, tawa lang siya nang tawa. Sige Direk. So, nu’ng sumabog na ‘yun, libo ang inabot ng like ko, hundred ang comment.”

May kalokohan pang nagawa si Direk Wenn kay Matteo.”Nu’ng i-post ko ‘yun, tinakpan ko ‘yung cell number ni Matteo, mapapansin ninyo. Pero sa Instagram, ang nagamit ko ‘yung original, so lumabas ‘yung number ni Matteo. Ang daming nagte-text, ang daming tumatawag sa kanya. So kailangang magpalit ng number si Matteo. Libu-libo, mula paggising niya… sorry ako ng sorry sa kanya. Tawa lang siya nang tawa,” tsika pa ng award-winning director.

If ever gumawa ng movie sina Sarah at Matteo, willing ka bang idirek sila ni Wenn Deramas? “Hindi sa ayaw ko, wala namang nag-o-offer. I think nagsalita na si Sarah tungkol d’yan. Hindi naman sila loveteam, baka masira lang kung ganu’n. Mas maigi na ‘yang ganyan, may payapa silang lovelife at may career silang napakagaganda rin. At saka puno ako hanggang 2016. This year, apat na pelikula ang gagawin ko, dalawa ngayon, “Maria Leonora Teresa” at “Moron 2”, at may isa akong Ai-Ai delas Alas na hindi pa ipalalabas this year, sana Mother’s Day ang showing next year, at “Praybet Benjamin” ni Vice-Ganda.”

Kahit gaano ka-hectic ang schedule ni Direk Wenn, may time pa rin siya sa kanyang lovelife.  “Nand’yan, hindi puwedeng hindi. Working pa rin siya Monday to Friday. Pero kapag wala akong shooting, hindi naman laging mayroon, ‘di ba? Either, siya ‘yung pupunta sa shooting ko, after ng work niya or ako ang pupunta saThe Fort, ‘boss’ ang tawagan namin,” masayang wika nito.

Sa tingin namin, mas happy ngayon si Direk Ween sa present love niya compared sa past relationship. “Of course, kaya nga may tinatawag tayong past and present. I-correct mo ang past mo sa present at huwag mong uulitin sa future.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING