Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, ang sweet sa dinner date

ADVERTISING

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, ang sweet sa dinner date

Sarah-Geronimo-Matteo-GuidicelliANG SWEET naman nina Bebe Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa mga pictures na ipinadala sa akin ng mga faney! Wala mang namutawing pag-amin sa mga bibig nila tungkol sa kanilang real score ay parang gusto nilang sabihing “it takes two to tango”… este, “what you see is what you get.”
Oo nga naman, hindi na kailangang tanungin pa, kaya ibigay na natin sa kanila kung gusto nilang maging pribado na lang ang kanilang mga moments. Kaso nga, public figure sila at lalo’t higit ang daming nag-aabang ng mga updates tungkol sa kanila, dahil gustung-gusto ang kanilang relasyon.
Heto nga’t nung Monday night ay nag-dinner pa ang magsing-irog sa house yata ito nina Matteo with his friends na mukhang ang saya-saya ni Sarah. Kaya kung itatanong n’yo kung kasama ba si Mommy Divine, ‘yan ang hindi natin alam. Pero sa picture ay kasama ni Sasa ang kanyang friend na si Anna Dasig. Baka ito lang ang kanyang chaperone.
Nandu’ n din pala si Victor Basa at ang anak ni Tita June Torrejon na si Ranvel Rufino, so nasa mabubuting kamay rin si Sarah, in fairness.
Ang importante kahit may ilan pang restrictions ay at least, puwede na talagang mag-boyfriend si Bebe Sarah. And ‘yung totoo? I’m so happy for her. And for them.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING