Sarah Geronimo, masaya sa bagong ‘freedom’

ADVERTISING

Sarah Geronimo, masaya sa bagong ‘freedom’

Sarah-GeronimoMUKHANG SUPER cool ang relasyon nina Sarah Geronimo at boyfriend (or shall I say ka-M.U.) na si Matteo Guidicelli. Hindi man aminin ng dalawa na sila na publicly (I am sure ay ayaw rin ni Mommy Divine), enjoy sila sa company ng isa’t isa.

Kamakailan, sa isang weekend activity nina Tatay Ryan Agoncillo with wife Judy Ann Santos, kasama ng mag-asawa sina Sarah at Matteo. It was a Sunday fun run kung saan si Matteo who is an active triathlete just like Ryan ay naging bahagi ng event. Based on the photo na naka-post sa Instagram ni Tatay Ryan, happy si Sarah sa“freedom” na nararanasan niya at nalalasap ngayon which for us is a positive sign that both (Sarah and Matteo) are enjoying each other’s company and “love”.

During the shooting of Maybe This Time na pelikula ni Sarah with Coco Martin, hindi yata naikuwento sa amin ng kakilalang insider na minsan ay dumalaw si Matteo sa set. “Por respeto na rin siguro kay Coco,” kuwento ng mapagkatiwalaang source namin.

Dagdag pa, kahit ang mga pa-tweetums na mga eksena ng dalaga at ni Coco ang kukunan, always ready ang Pop Princess at never nagkaroon ng mood swings (o baka naman may tampuhan kasi sila ni Matteo) na puwedeng makaapekto sa trabaho ng dalaga.

ADVERTISING

Good sign ito na para kay Sarah na dapat malaman ni Mommy Divine na si Matteo ay positive influence sa buhay ngayon ng Pop Princess.

Just wonder kung si Matteo ay invited sa red carpet premiere night ng Maybe This Time gayong ang kapareha ng girlfriend niya ay si Coco.

Pero kung titingnan mo, wala namang love angle ang publicity sa pelikulang ito nina Sarah at Coco kaya para sa akin oks lang. Ang ganda ng pelikula at kiliti na dala-dala ng direksyon ni Jerry Sineneng ay sapat na para panoorin at tangkilikn ng publiko ang obra.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING