Sarah Geronimo, malakas na ang loob na mag-PDA with Matteo Guidicelli

Sarah-Geronimo-Matteo-GuidicelliNAGMUKHANG ATAT na atat si Sarah Geronimo nang salubungin niya ng yakap ang boyfriend na si Matteo Guidicelli nang marating nito ang finish line sa triathlon race sa Cebu.

But it’s fine, kasi magdyowa naman sila. Isa pa, bilang pagsuporta lang iyon sa kanyang boyfriend, ‘no.

In return, isang matamis na halik naman ang isinukli ni Matteo sa dalaga na walang pakialam sa mga nakakita ng kanyang PDA. Aliw nga ang mga utaw roon dahil nagpalakpakan ang lahat ng nakakita sa sweetness ng young couple.

Sana lang ay hindi nagdabog ang bangs (pahiram mareng Alwin) ng madir ni Sarah na kilalang over protective sa kanyang anak.

Ang napansin lang namin, mukhang very demonstrative na itong si Sarah sa pagpapakita ng pagmamahal niya kay Matteo, ha? Parang hindi na siya natatakot sa parent niya.

Well, she’s of age na naman at hindi na siya dapat pinakikialaman sa kanyang ginagawa.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleJames Reid at Nadine Lustre, ipinagpilitang best friends lang sila
Next articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 95 August 05 – 06, 2015

No posts to display