Sarah Geronimo, maghihintay na lang na dumating si Mr. Right

ADVERTISING

Sarah Geronimo, maghihintay na lang na dumating si Mr. Right

Sarah Geronimo, maghihintay na lang na dumating si Mr. RightISA SA wish ni Sarah Geronimo sa kanyang 25th birthday ay ang magkaroon ng right guy for her na hindi lang siya ang may gusto kung hindi pati na rin ng kanyang buong pamilya. Isang lalaki na mamahalin siya nang totoo. Pero hindi raw ito ang priority niya ngayon kung hindi ang kanyang pamilya at career.

Sana nga raw, patuloy siyang suportahan ng kanyang mga tagahanga at mas yumabong pa ang kanyang career. Alam daw ni Sarah na darating din ang kanyang Prince Charming, ayon na rin sa kagustuhan ng Diyos.

Alam daw nito na ibibigay ni Lord ang right guy para sa kanya, kaya naman daw hindi siya nagmamadali at hinihintay na lamang na dumating si Mr. Right.

Sa ngayon daw ay pinagtutuunan ni Sarah ng pansin ang pagiging hurado sa The Voice of the Philippines at sa nalalapit na paglabas ng kanyang next album under Viva Records.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING