Sarah Geronimo, level-up na raw ang acting

ADVERTISING

Sarah Geronimo, level-up na raw ang acting

Sarah-GeronimoAYAW SAGUTIN ni Sarah Geronimo ang tanong kung naging crush niya si Coco Martin while they were doing IDOL, ‘yung TV series nila dati. Pero according to Coco’s “Maybe This Time” leading lady, meron siyang napansing kakaiba kay Coco.

“Nu’ng “Idol”, ang napansin ko sa kanya ‘yung smile niya talaga. Kapag naririnig ko ang Coco Martin at every time na nakikita mo siya sa mga commercials niya especially sa mga commercials niya kasi sa mga teleserye o pelikula lagi siyang dramatic actor, umiiyak, pero ‘pag nakikita ko ang commercials niya nakikita ko ‘yung bright smile niya. ‘Yun ‘yong tumatak,” say ni Sarah.

Sabi pa ni Sarah, sana ma-appreciate ng manonood ang level up acting na ginawa niya sa movie nila ni Coco.

“Maybe this time, sana ma-appreciate ‘yung pagiging aktres ko,” she mused. She acknowledges the fact that “kilala po kasi ako sa paggawa ng rom-com, pa-tweetums, may kilig, pa-cute. Sana this time ma-appreciate ng tao ‘yung aking effort na mag-level up ‘yung aking acting skills. “Kasi sa umpisa akala mo pa-cute pero ‘yung pinagmulan ng pag-iibigan namin, bakit ganoon katindi ang mga lines namin doon ay mapapanood ninyo sa journey ni Tonio at ni Teptep.”

ADVERTISING

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING