Sarah Geronimo, kinumpirmang level-up na ang relasyon kay Matteo Guidicelli

ADVERTISING

Sarah Geronimo, kinumpirmang level-up na ang relasyon kay Matteo Guidicelli

Sarah-Geronimo-Matteo-GuidicelliKINUMPIRMA NA ni Sarah Geronimo na nag-level-up na ang relasyon nila ni Matteo Guidicelli. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit mas open na sila ngayon sa pagpapakita ng kanilang sweetness in public.

Marami nang larawang magkasama sila na lumabas sa social media na nagpapakita ng kanilang sweetness at ang latest nga ay ang picture kung saan makikita si Matteo na super higpit ang yakap kay Sarah.

Ang isa pang kinumpirma ni Sarah ay may blessing na raw ng kanyang magulang ang bawat paglabas nila ni Matteo.

Ayon pa kay Sarah, kahit na love team daw sila ni real life ni Matteo, ayaw na ayaw raw niya na maging love team sila on screen. Kaya malabo nang mangyaring mapanood sila sa isang project na magkapareha. Katuwiran ni Sarah, ayaw raw niyang pagsamahin ang kanyang love life and showbiz career.

ADVERTISING

 

HINDI NAITAGO ni Joey de Leon ang pagkaaliw sa mga nakita niyang eksena sa mga co-star sa One Of The Boys sitcom nila sa TV5 na napapanood every Saturday at 8:15 pm. Hindi na raw kasi itinatago nina Eula Caballero at Dan Marsh ang sweetness sa isa’t isa.

Ayaw namang bigyan ng malisya ni Joey ang nasasaksihang sweetness ng dalawa. Napapangiti na lang daw siya kapag laging nilalapitan ni Dan si Eula kahit wala naman itong importanteng sasabihin.

Ayon pa kay Joey, nakatutulong daw sa set nila ang romantic na tagpo ng dalawa para kiligin ang mga tao nasa taping.

Hindi na raw magtataka si Joey kung mabalitaan niya na mag-on na sina Eula at Dan na lead member ng Juan Direction.

Masaya si Joey sa magandang rating ng sitcom. Kaunting sipag pa raw at tataas pa ang ratings ng One of The Boys.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING