Sarah Geronimo, kinilig kay Matteo Guidicelli

ADVERTISING

Sarah Geronimo, kinilig kay Matteo Guidicelli

Sarah-GeronimoMAY KILIG palang dala ang comment ni Matteo Guidicelli na “she’s hot”.  Halata raw na kinilig si Sarah Geronimo when asked to react on Matteo’s comment nang matanong ito tungkol sa short hair niya.

Pero kahit na kinilig ay iniwasan pa rin ni Sarah ang tanong. Ayaw pa rin niyang pag-usapan ang  tungkol sa rumored romance nila ni Matteo.

Actually, pare-pareho na lang ng sinasabi si Sarah when it comes to her love life. Parang wala siyang interest na ibahagi ang parteng ito ng kanyang buhay sa publiko.

Of course, nandiyan ang kanyang inang si Divine na sinasabing pumipigil sa kanyang kaligayahan. Parang walang mabuting lalaki para sa kanyang anak.

ADVERTISING

So, kailan liligaya si Sarah? Kapag wala na siya sa piling ng kanyang ina!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING