Sarah Geronimo, kanselado ang mga show

ADVERTISING

Sarah Geronimo, kanselado ang mga show

Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

Of late ay kanselado ang mga show ni Sarah Geronimo. May sakit pala siya, pero hindi niya isiniwalat kung ano ito.

ADVERTISING

Basta, sinabi lang ni Sarah Geronimo na health reasons ang dahilan ng pag-lie low niya sa showbiz.

But one guy commented, “A Viva insider said na “vocal complications” daw. Kaya sa Asap ay 2 prods. lang siya for now para di masyadong ma-strain ang throat niya. Na move lang ang date ng concert tour sa Davao this Sept. daw sabi ng producer & NOT cancelled. Exhausting kasi ang provincial concert tour & she needs to rest lang para gumaling. She assured naman the fans that there’s nothing worry coz she’s okay.”

Kung true na meron siyang vocal problems, kailangan nga talaga ni Sarah na magpahinga.

ADVERTISING

Say nga ng dalaga, bakasyon siya sa showbiz from July to August.

Anyway, marami ang nakapapansin na parang hindi na feel ni Sarah ang masyadong hectic schedule niya. Parang ngayon ay gusto muna niyang magpahinga. Ayan tuloy, may kumakalat na chikang gusto na niyang pakasal kay Matteo Guidicelli.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING