SARAH GERONIMO, KABADO SA TAMBALAN NILA NI GERALD ANDERSON

ADVERTISING

SARAH GERONIMO, KABADO SA TAMBALAN NILA NI GERALD ANDERSONNAGSIMULA NANG GUMILING ang mga kamera para sa unang pagtatambal sa pelikula nina Popstar Princess Sarah Geronimo at Action Drama Prince Gerald Anderson under Star Cinema. Binisita kamakailan ng The Buzz ang dalawa sa set ng kanilang shooting.

Inamin ni Sarah na may konting kaba sa kanyang dibdib na baka hindi kagatin ng ‘Kimeralds’ ang kanilang first team-up ni Gerald, but she’s praying that everything will turn out well. But Sarah has nothing to worry about because Gerald gave the assurance that Kimeralds are very supportive.

ADVERTISING

“Salamat talaga sa mga Kimeralds na nand’yan pa rin dahil pumupunta sila sa taping ko, sa taping ni Kim (Chiu), kahit ‘di kami magkasama. Nakikita ko ‘yong suporta na binibigay nila sa amin and sobra akong thankful,” Gerald enthused.

Pressured nga ba sina Sarah at Gerald na parehong galing sa successful team-ups?

“Lahat kami kinakabahan. Coming from two successful movies with John Lloyd (Cruz), ‘di maiiwasan ‘yong comparison, pero sabi ko nga, ‘di namin mai-enjoy ito kung iisipin namin ‘yong pressure,” paliwanag ni Sarah.

ADVERTISING

Dagdag pa ni Gerald, “Iba sila ni Kim. They are very good on what they do and I’m very blessed dahil si Kim nakasama ko at ngayon si Sarah naman. Napakabait niya, tahimik lang din, very professional siya. Kahit anong proyekto may pressure, pero ‘yon ang challenge sa amin. Tsina-challenge kami ng pressure para ilabas namin ‘yong galing namin.”

Actually, the movie is a great opportunity for Sarah and Gerald to be paired with other stars para mas lalo pang lumawak ang kanilang karanasan sa pag-arte. ‘Ika nga, dapat matikman ng mga manonood ang iba’t ibang putahe na kaya nilang ihanda para hindi sila pagsawaan ng mga ito balang araw.

Kung may tamis sa mga love stories, dapat may alat naman sa mga tearjerkers, may anghang sa mga confrontation scenes, at may pait ng paghihiganti sa mga action scenes.

Kapwa busy sina Sarah at Gerald ngayon, pero may puwang pa ba ang pag-ibig sa kanilang buhay? Gerald was once linked with Bea Alonzo who is said to be dating Zanjoe Marudo now.

Sinabi ni Gerald that both he and Bea have decided to be friends. Aniya, “2010 pa ‘yon at ngayon 2011 na, kaya nagmo-move on na kami.”

Hindi naman daw nagkakailangan sa set sina Sarah at Matteo Guidicelli na da-ting na-link sa aktres. Matteo plays her other leading man on the film.

Sinabi ni Sarah na nagkaroon daw sila ng bonding session. “Nakapag-heart to heart talk na kaming tatlo, so walang ilangan. Nakita ko sa kanilang dalawa na gentlemen sila pareho.”

Ayon naman kay Matteo, “I am very comfortable to work with her. She’s very nice, very caring, very generous. Sobrang saya po! Dream ko po talaga na makatrabaho siya.”

SARAH GERONIMO, KABADO SA TAMBALAN NILA NI GERALD ANDERSON

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING