Sarah Geronimo is working hard for her family, yet hasn’t find the joy of her heart

ADVERTISING

Sarah Geronimo is working hard for her family, yet hasn’t find the joy of her heart

Sarah Geronimo is working hard for her family, yet hasn’t find the joy of her heartHINDI PA READY for another relationship si Sarah Geronimo.

ADVERTISING

This, she intimated sa album launch niya kamakailan. After her break-up with Rayver Cruz, nagpahiwatig si Sarah na hindi pa rin siya handang makipagrelasyon. Sinabi niya in passing na ang mga taong nakapaligid sa kanya, presumably her family, is not ready to see her in a relationship.

Natanong si Sarah about her suitor na anak ng isang pulitiko. Wala namang maisagot ang hitad kasi hindi pa niya nakikita ang sinasabing lalaki na nagpadala sa kanya ng flowers.

Naku, kelan kaya magiging ready si Sarah na makipagrelasyon, kapag nasa 40’s na siya? Poor girl. Kayod marino siya pero hindi man lang niya makuhang lumigaya. Tsk. Tsk. Tsk.

ADVERTISING

Well, that’s life. Forever breadwinner na lang yata si Sarah ng kanyang pamilya.

 

NAG-WALKOUT DAW SI Dingdong Dantes sa latest fashion show ng Bench last Sunday. May lumabas na tsikang hindi niya nagustuhan ang reception sa kanya ng tao. Wala kasing gaanong pumapalakpak sa kanya, hindi katulad ng mga Kapamilya stars na talaga namang pinalakpakan nang husto ng mga nanood.

Kung paniniwalaan ang tsika, bigla raw nag-init ang ulo ni Dingdong sa lukewarm reception na natanggap nito. Ito raw ang dahilan kung bakit hindi na siya sumama sa finale number, kung saan lahat ng celebrities at models ay rumampa.

Pero ang paliwanag naman ni Dingdong sa isang interview, may Mother’s Day celebration siyang dadaluhan noong araw na iyon. Hindi puwedeng ‘di niya siputin ang okasyon lalo pa’t kasama niya ang lola’t madir ni Marian Rivera.

Isa pa, ang alam ng kanyang kampo ay tapos na siya. Hindi sila aware na meron pa palang isa pang finale number na idinagdag.

Meron ding tsismis na kesyo na-insecure si Dingdong dahil si Piolo Pascual daw ang pinaka-finale. Ayaw raw nitong masapawan ni Piolo kaya napilitan na lang daw itong umalis ng venue.

Kilalang professional si Dingdong at never kaming nakarinig ng issue na naging unprofessional siya.

 

POOR MARIAN RIVERA. Pati kasi siya ay sinisisi sa pangyayari recently kay Sid Lucero.

Sa isang entertainment website na nakita namin, pilit na inili-link ang pangalan ni Marian sa panununtok diumano ni Sid sa isang store clerk ng isang hardware.

Ang kuwento, hindi natamaan ni Sid ang store clerk at ang kanyang kamao ay lumanding sa female cashier.

Ano naman ang relasyon doon ni Marian? Well, sabi sa website, tila nahawa na raw si Sid sa kagaspangan ng ugali ni Marian mula nang magsama sila sa bagong soap epic sa GMA-7. Me gano’n?

Hindi ba nakakatawa ang website na ito.

Ang talagang ikinaloka namin, walang takot na binansagan ng website si Marian na “darna-saur”.

Kakaloka, ‘di ba?

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING