Sarah Geronimo, inilampaso ni Kathryn Bernardo

ADVERTISING

Sarah Geronimo, inilampaso ni Kathryn Bernardo

Kathryn-Bernardo-Sarah-GeronimoTIYAK NA magre-react ang Popster fans ni Sarah Geronimo dahil pinakain ng alikabok ni Kathryn Bernardo ang idol nila.

Sa nakita naming entry sa Facebook account na Kakulay Entertainment Blog, sinabi nitong “nasa No. 2 spot ang album ni Kathryn na carrier single ang revival niya ng “Mr. DJ” ni Sharon Cuneta.”

“Inilampaso nang husto ng Teen Queen (Kathryn) ang kare-release na album ni Sarah na “Perfectly Imperpect” under Viva Records na nasa pang No. 10 o huling puwesto sa top 10 sales album. Nangunguna naman si Taylor Swift, Dareen Espanto na nasa No. 3 spot, No. 4 ang One Direction, No. 5 – Seconds of Summer, No. 6 – Jose Mari Chan, No.7 – “Gimme 5 Gimme 5,” at pang No. 9 na si Ed Sheeran.” ‘Yan ang nakakalokang dagdag na report ng nasabing Facebook account.

Hindi na kami nagtaka kung bakit naungusan ni Kathryn si Sarah. Bago pa man kasi i-release ang album niya ay meron nang advance order ang madadatung na fans ni Kathryn. Talagang they spent a good amount of money. Merong isang nag-advance order ng worth more than P100,000 while another one ordered P25,000 worth of CDs. Ayun, nag-gold record award kaagad ang album ni Kathryn. Mayayaman ang fans ni Kath, kaya nilang pakyawin ang album ng dalaga.

ADVERTISING

Ano kaya ang masasabi ng Popsters dito? Meron ba silang pambili ng album ni Sarah in the first place?

 

NAG-REACT ANG Star Magic, the management na namamahala sa career nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla at nag-issue ng official statement bilang reaksyon sa mapanirang rant ng isang fan na nanood ng show ng dalawa sa in Milan, Italy recently.

“All Star Magic artists go to great lengths to please and satisfy the various audiences and fans. The meet and greets are a concession to the local producers who use them as a marketing device. They are run by the producers and often the artists have little or no control over how they are run,” came the official statement of Star Magic.

“Nevertheless we regret that there is at least one disgruntled fan and will try and make sure that incidents like this are not repeated,” dagdag pa nito.

May isang fan kasi ang nag-post ng kanyang hinaing sa social media at sinabing nag-walkout sina Daniel at Kathryn sa meet and greet nila sa Italy. The fan was also complaining na thirty minutes lang nag-show ang dalawa at thirty minutes lang tumagal ang kanilang photo op.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING