Sarah Geronimo, inilalayo na ng ina kay Gerald Anderson?!

ADVERTISING

Sarah Geronimo, inilalayo na ng ina kay Gerald Anderson?!


Sarah Geronimo, inilalayo na ng ina kay Gerald Anderson?!KUNG NOON
ay pinapakita ni Mommy Divine na botong-boto siya kay Gerald Anderson para sa anak niyang si Sarah Geronimo, ngayon ay nakararamdam na raw ng hindi maganda ang binata sa madir ng aktres.

Tama ba ang narinig naming nagkakalabuan na ngayon sina Gerald at Sarah all because of Mommy Divine?

Naikuwento raw ni Gerald sa isang close friend niya na hindi na sila gaanong nagkakasama ni Sarah ngayon. It appears na may kinalaman daw dito ang madir ng aktres na si Mommy Divine. Parang ayaw na itong pasamahin sa kanya.

If in the past ay pumapayag si Mommy Divine na mag-date silang dalawa lang, ngayon ay hindi na raw ito puwede.

ADVERTISING

Bakit tila nawalan yata ng tiwala si Mommy Divine kay Gerald? Dahil ba umiral na naman sa kanya ang pagiging over protective sa kanyang anak? Is it because of rumors that aside from Sarah, Gerald is dating other young women na mostly ay hindi taga-showbiz?

Or is it because just like Rayver Cruz ay talagang ayaw niyang paligawan ang kanyang anak sa kanino mang taga-showbiz?

Which is which, Mommy Divine?

We’ll see kung aapir si Gerald sa birthday concert ni Sarah next week.

 

SOCIALITE AND realty-heir Divine Lee is like a manna from heaven ng mga bading. She is a self-confessed babaeng bakla and we found out that she’s not kidding.

Although she’s very straight, she’s  a member pala of LADLAD, an LGBT organization. One year na pala siyang member ng nasabing organization.

“Kasi kasama ko po buong buhay ko ay mga bakla,” she unabashedly shared.

Hindi nahiya si Ms. Lee na itsikang four times siyang nagpasundo kay Victor Basa sa gay bar.

“Kasi siya lang po ang nauuto ko. Eh, apat na beses akong walang ride kaya nagpasundo ako sa kanya,” tsika ng host ng Extreme Makeover Home Edition Philippines.

Nagustuhan niya si Victor dahil nakita niya rito ang pagmamahal sa kanyang pamilya.

“Gusto ko po talaga na mapagmahal sa pamilya kasi kapag naging kayo, ganoon ang pakitungo niya sa ‘yo. Ang daming beses niyang tatawagan ang kapatid niya o kaya pagkagaling sa taping ay susunduin niya ang kapatid niya bago siya umuwi. Effort ‘yun eh, kasi madali namang pasundo sa driver pero ba’t gugustuhin niya ang susundo?” sabi ni Divine.

“Optimistic siya at kung ano ‘yung nasa cause niya, ‘yun talaga ‘yung ipaglalaban niya. She love equality which I respect highly,” tsika naman ni Victor.

Sarah Geronimo, inilalayo na ng ina kay Gerald Anderson?!

Ms. Lee is grateful for the opportunity given her by TV5 bilang isa sa hosts ng nasabing show.

“Parang ‘yung nakikita ng tao, parang socialite. So nabigyan nila ako ng chance na maipakita ko ang sarili ko,” sabi niya.

While doing the show, “na-realize ko na napakasuwerte namin. Parang ang dami nating tine-take for granted. Kumbaga everyday ‘yung bahay nila ‘yung ginagawa mo. Doon ko na-realize na ang suwerte ko. Paglabas ko ng kuwarto ko ay ayan lang ‘yung banyo. Sila lalabas pa. ‘Yung tine-take for granted natin everyday ay doon ko natutunan sa Extreme Makeover.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING