Sarah Geronimo, iniisnab si Kris Aquino!

ADVERTISING

Sarah Geronimo, iniisnab si Kris Aquino!

Sarah Geronimo, iniisnab si Kris Aquino!IT SEEMS that Sarah Geronimo is not interested in guesting in Kris Aquino’s talk show, KrisTV.

Maraming beses na palang inimbitahan ng staff ng Kris TV si Sarah but her camp seems bent on snubbing the invitation palagi. Parang ayaw nilang i-guest ang kanilang alaga sa show ni Kris.

Actually, may dalawang Twitter followers si Kris na nangungulit kung kailan aapir ang kanilang idol sa talk show ng taklesang TV host.

“Please guest Sarah Geronimo in your morning show… Marami pong matutuwa,” one fan tweeted.

ADVERTISING

To which Kris retorted, “How abt helping our show get SG to guest by flooding VIVA w/ requests?”, adding, “because we have tried many times to invite. Maybe when they realize u want Sarah on Kris TV it will finally happen!”

It’s very clear na nasa Viva ang pagpapasya kung magge-guest si Sarah sa show ni Kris.

Pero nauunawaan namin kung bakit hesitant ang mga taga-Viva na payagang umapir si Sarah sa Kris TV. For one, tiyak na igi-grill si Sarah ni Kris about her rumored romance with Gerald Anderson. Alam n’yo naman si Kris, palaging umiiral ang pagiging taklesa kaya tiyak na yari si Sarah kapag nagkamali siya sa pagsagot. Tiyak na may mabubuking sa kanya kaya it’s safe na isnabin na lang ang imbitasyon ng show sa kanya.

 

CHRISTIAN BAUTISTA’S contract with ABS-CBN is about to expire this month and his camp is already thinking of moving him to another network.

Christian himself is interested to try new avenues dahil ang feeling niya ay wala namang nangyayari sa kanyang career sa Dos. Ang feeling niya ay napabayaan na siya ng network na siyang naka-discover sa kanya many years ago.

It appears na wala naman talagang plano sa kanya ang Dos and we’re quite certain na hindi siya hahabulin should he decide na lumipat na ng network. Hindi naman kawalan si Christian sa Dos, ‘no? Baka may magsabi pa nga ng good riddance kapag hindi siya i-renew ng Kapamilya Network.

Actually, hindi na naman talaga sikat si Christian. His heydays are over. Wala na kasing bago siyang maaaring i-offer sa kanyang public.

Kung talagang mainit na mainit pa siya sa publiko, do you think pakakawalan siya ng Dos?

 

JAKE CUENCA appeared on purpose sa premiere night ng movie ni Lovi Poe.

Ang palusot ng actor, sinusuportahan lang niya si Lovi.

What a lame excuse. Bakit ba hindi niya maamin na sinusuportahan niya si Lovi dahil mahal niya ito at magdyowa na sila?

With Jake’s presence, ayun, natalbugan tuloy si Benjamin Alves na leading man ni Lovi sa movie.

Mukhang gagawin lahat nitong si Jake pag-usapan lang siya, kahit na maagawan niya ng eksena ang leading man ni Lovi.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING