Sarah Geronimo, inamin ang mga bagay na nagustuhan niya kay Matteo Guidicelli

ADVERTISING

Sarah Geronimo, inamin ang mga bagay na nagustuhan niya kay Matteo Guidicelli

Sarah-Geronimo Matteo-Guidicelli-Sarah-GeronimoNOONG LUNES, December 16, muling pumirma si Sarah Geronimo ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN. Kasama ang manager na si Mr. Vic del Rosario, ang inang si Mommy Divine at top executives ng Kapamilya Network, hudyat ito ng pananatiling Kapamilya ng Pop Princess.

Ayon kay Sarah, hindi siya nagdalawang-isip na muling pumirma sa ABS, dahil ito ang istayon na sumugal at unang nagtiwala sa kanya mula pa sa Sarah, The Pop Princess, ASAP at iba pang shows na pinagbidahan ni Sarah.

Para kay Sarah, mananatili siya sa ABS hangga’t nararamdaman niya na gusto ng management na manatili siya rito. Isa sa proyektong siguradong gagawin ni Sarah ay ang The Voice of The Philippines Season 2, kung saan isa siya sa mentor/ judge dito. Aminado ang singer/actress na noong una, ayaw na niyang maging parte ng show dahil nahihirapan siya. Pero dahil sa dami ng mga natutuhan niya sa kapwa mentors/ judges at sa finalists, mananatili siya at lalaging magiging parte ng nasabing show.

Hiningan din namin ng reaksyon sa kumkalat na balita na sumunod daw sa kanya sa Cebu sa Matteo nang magkaroon siya ng show sa probinsya kamakailan, na siyang hometown ng aktor, itinanggi ito agad ni Sarah at ipinaliwang na nandoon si Matteo para sa pamilya nito.

ADVERTISING

Sa kapansin-pansin naman na gesture ng aktor na inaalalayan siya nito pababa sa nakaraang Solidarity Concert ng ABS-CBN, hindi naman ito itanggi ng aktres at sinabing nakatutuwa na may umaalaay sa kanya na ang naunang umalalay sa kanya ay si Martin Nievera at sinundan ito ni Matteo.

Ang pagiging masarap kausap at ang pagiging maraming kuwento ng aktor ang katangian na nagugustuhan ni Sarah kay Matteo. Iwas pa rin talaga ‘pag pinag-uusapan ang kanyang lovelife, kung saan para sa dalaga lahat naman ng tao ay gustong maging pribado ang kanilang personal na buhay.

Nang tanungin namin kung malamig ba ng Pasko niya o mainit, ipinaliwang sa amin ni Sarah na kahit may mga pinagdaanan siya nitong taong ito, masasabi niyang laging mainit ang kanyang Pasko kung ang pagbabasehan ay dami ng blessings na natanggap niya at ang pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING