Sarah Geronimo, imposible raw mabuntis

ADVERTISING

Sarah Geronimo, imposible raw mabuntis

Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

Na-ambush interview namin si Boss Vic del Rosario ng Viva sa press presentation ng mga candidates ng 2016 Miss Manila at hindi naman siya nagdamot na sagutin ang mga isyu tungkol kay Sarah Geronimo.

ADVERTISING

Buntis nga ba si Sarah Geronimo? Tanong namin sa kanya.

“Hindi buntis si Sarah! Paano mabubuntis ‘yon? Eh, virgin pa ‘yon!” sagot agad niya sa amin. “Paano mabubuntis ang virgin? Maniwala kayo!” sabi ulit niya.

Idinagdag din ni Boss Vic na bukod sa ASAP ng ABS-CBN, gagawa rin ng concert si Sarah at maghu-host ng bagong reality show ng Dos.

ADVERTISING

Tungkol naman sa isyung aalis ng Pilipinas si Sarah para mag-aral sa abroad, may paliwanag din si Boss Vic.

“Well, may two months break siya, July and August. Kasi matagal na naman siyang walang pahinga, eh,” sabi pa niya.

Si Boss Vic ay partner nina Manila Mayor Erap Estrada at Jackie Estrada (chairperson ng MARE Foundation) sa Miss Manila event. Ang mananalo sa pageant sa June 24 ay automatic na magiging talent ng Viva at tatanggap ng P500,000.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING