Sarah Geronimo, hindi naitago ang lungkot sa presscon ng pelikula

ADVERTISING

Sarah Geronimo, hindi naitago ang lungkot sa presscon ng pelikula

Sarah-GeronimoNOONG GRAND press conference ng The Breakup Playlist, may nag-text sa amin na mukha raw malungkot o kulang ang kasiyahan nitong bida na si Sarah Geronimo. Hindi raw ‘yun ang totoong Sarah.

ADVERTISING

“Matamlay siya at marami ang nakapansin. Kahit minsan ay hindi ito humalakhak o tumawa nang malakas. At wala si Mommy Divine sa said event. Mukhang may pinagdaraanan si Sarah,” sey ng aming source.

Hindi kaya may problema si Sarah dahil hindi na naman siya pinayagan na sumama kay Matteo sa imbitasyon nito na lumabas ng bansa? Nagtatanong lang naman.

Basta abangan ang The Breakup Playlist sa July 1. Ang tanong, kabugin kaya nito ang Starting Over Again? Wait natin.

ADVERTISING

With Piolo Pascual around na Box-office King of 2015?

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING