Sarah Geronimo, heartbreak song ang kasama nang makipaghiwalay sa dating BF

Sarah Geronimo, heartbreak song ang kasama nang makipaghiwalay sa dating BF

Sarah-GeronimoSARAH GERONIMO admitted that when she broke up with a past boyfriend whom she did not name ay music ang naging kasama niya.

“Naalala ko po nu’ng ako ay nasasaktan, magkasama po kami ni Ate Juday (Judy Ann Santos) sa “Hating Kapatid”, gumagawa kami ng pelikula,” Sarah said during the media huddle for The Breakup Playlist.

“Basta ‘yun. May music po, nakalimutan ko na ‘yung music, basta heartbreak song siya. Nilakasan namin ‘yung tugtog. Kumakanta kami (ni Ate Juday), umiiyak ako, ganyan…” kuwento niya.

Just like her character in the movie, merong pagkakapareho si Sarah sa kanyang movie role.

“‘Yung passion namin sa music, saka pagmamahal sa pamilya. Para kasing young adult siya, so ‘yung pinagdaraanan ng isang adult ay nata-tackle sa pelikulang ito. Siyempre, sa ganitong edad ay hinihingan na tayo ng mundo, we musicians, para sumagot sa mga sarili natin, but still i-honor pa rin ang mga magulang natin.”

Needless to say, sobra siyang kinilig sa kanyang leading man na si Piolo Pascual.

“Ako, sobra talaga akong nagko-concentrate kung paano ko mapaninindigan ‘yung role ko bilang girlfriend niya (Piolo) at ex niya. Sa totoo lang, kung iisipin ko ay napaka-surreal, eh kasi Piolo Pascual, hinahangaan ko, napapanood ko sa mga pelikula at teleserye. Sabi ko nga sa unang eksena namin, grabe, si Piolo Pascual ang kaeksena ko, si Piolo ang kaharap ko. Iyon talaga ang goal ko, maging effective ako, maging realistic ako sa role ko.”

 

KONTROBERSIYAL ANG PBB dahil sa tila mga beking housemates.

Pinag-usapam sa social media ang shot ng dalawang guys na naglalandian habang nasa Bahay ni Kuya. Naghaharutan sila pero ang dating ay parang may bromance. Yes, that’s what it appears to be in the eyes of the people in social media.

Merong dalawang guys nga na parang nagkakagustuhan na. Ang sweet-sweet nila sa isang video na nakita namin sa internet. Magka-holding hands sila at bulungan nang bulungan.

With this kind of brewing romance between two guys, with the paghaharutan and all, hindi kaya muling masita ng MTRCB ang Dos? Just asking!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas