Sarah Geronimo, halata ang pagtatangi kay Gerald Anderson!

ADVERTISING

Sarah Geronimo, halata ang pagtatangi kay Gerald Anderson!

Sarah Geronimo, halata ang pagtatangi kay Gerald Anderson!

PAREHONG  NANGGALING sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa mga pakikipagrelasyong nauwi sa hiwalayan. Kaya pareho sila ngayong nagiging sobrang maingat tungkol sa kanilang closeness. Hindi lang naman silang dalawa ang nag-iingat kundi pati na rin ang mga taong malalapit sa kanilang buhay. Hindi naman gugustuhin ni Mommy Divine Geronimo na maging malungkot ang kanyang anak dahil lang sa lovelife. Ang Mommy rin ni Gerald ay sobrang apektado kapag malungkot ang anak niya dahil sa sumesemplang na lovelife.

Mainit sa mata ng mga tao sa showbiz ang pagiging malapit ngayon nina Sarah at Gerald, dahil hindi pa nga sila umaamin. Mahahalata mo naman kasi si Sarah na kakaiba na ang pagtatangi niya kay Gerald kahit sinasabi niyang special pa lang para sa kanya ang pagkakaibigan nila. Kakaiba kasi ang kanyang kilig kapag nababanggit ang pangalan ni Gerald. Pero hindi naman laglag si SG, dahil bukod sa kilig ay napakasaya rin ng mga mata ni Gerald kapag si SG na ang pinag-uusapan.

Bilang lalaki, si Gerald na rin ang naunang nagsabi na kung ang mga puso nila ngayon ni Sarah ang tatanungin, ayaw pa talaga nilang madaliin ang lahat kung saan makakaabot ang kanilang closeness. Nariyan na ang tapang ng kanyang loob, dahil inamin na niyang nanliligaw na siya sa Pop Princess. Kung patungo raw iyon sa isang malalim at masayang relasyon, gusto nilang pareho na silang ready sa kanilang magi-ging pagmamahalan. Puro pagpipigil lang sa mga damdamin ang nangyayari sa ngayon, dahil na rin sa mga pag-iingat. Pero inaabangan na ng marami ang kanilang pag-amin, dahil nakakikilig at bagay silang dalawa.

ADVERTISING

 

BLIND ITEM: Kung pupugutan natin ng ulo ang mga aktor sa buong showbiz na nakaranas na ng dahil sa kawalan ng project ay magpa-booking, baka isa na si Chad Jurado na lumalakad ngayon nang pugot ang itaas na parte ng katawan. Paano nga, maganda na ang kanyang image ngayon dahil sumikat na siya, kaya hindi na muling nababanggit ang isyu tungkol sa pagpatol niya sa mga bading at matrona nu’ng mga panahong nagta-tagtuyot sa kanyang pamumuhay.

Maraming kaibigan si Chad, dahil mapakisama naman siya talaga. Marami rin siyang mga kaibigan dati na mga baguhang aktor at katulad niyang naghihintay pa lang noon na magningning ang career. Matagal siyang naghintay na mabigyan ng break. Hindi kasi siya kaagad napansin noon, kaya dahil guwapo naman siya, kinailangan niya ring kumapit sa patalim, na kapag nagigipit ay nagpapa-booking siya sa mga bading at matrona.

Sarah Geronimo, halata ang pagtatangi kay Gerald Anderson!

May dahilan kung bakit dati’y naging pa-booking si Chad. Mayaman ang kanyang angkan, pero hindi siya mahilig umasa. Mag-isa siyang namuhay sa condo unit na kanyang nirerentahan. Pinanindigan niyang mamuhay mag-isa, kaya kapag wala siyang pera dahil sa kawalan ng project ay kinarir din niyang ibenta ang kanyang katawan. Mabenta siya, dahil bukod sa guwapo ay makisig ang kanyang pangangatawan. Nang bumongga na ang kanyang career ay huminto na siya sa pagpapa-booking. Ang kuwestiyon na lang ngayon ay kung tatanggi ba siya sa booking kung daang libo na ang katapat na presyo mula sa mga bading at matrona, pagbigyan lang niya ng isang gabing ligaya?

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING