Sarah Geronimo, gustong kalbuhin ng ina sa sobrang galit?

ADVERTISING

Sarah Geronimo, gustong kalbuhin ng ina sa sobrang galit?

Sarah-GeronimoSarah-GeronimoNALOKA KAMI sa blind item ng Fashion Pulis na obvious na tinutukoy si Sarah Geronimo.

Ang kumakalat kasi na chismis ay ginupitan ni Sarah ang kanyang buhok nang maikli para magrebelde sa kanyang ina na against sa relationship niya kay Matteo Guidicelli.

Sa FP naman ay ibang version ang aming nabasa. Nagalit daw talaga ang madir ni Sarah sa pagtatanggol ng dalaga kay Matteo. Nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng dalawa at talagang ipinaglaban ni Sarah ang kanyang mahal na Matteo. Talagang gulat na gulat daw ang madir ni Sarah na si Divine sa pagsagot ng kanyang anak.

Nang makatulog daw si Sarah ay naloka na lang daw ito dahil maikli na ang kanyang buhok. Ang madir daw ni Sarah ang gumupit ng buhok ng dalaga.

ADVERTISING

True ba ito Divine? Can you please explain your side of the story?

Marami nga raw ang naloka nang pumunta si Sarah sa isang commercial shoot na maikli ang buhok at naka-taxi lang. mabuti na lamang daw at mabait ang mga taga-shampoo commercial niya at hindi siya idinemanda. Bilang endorser kasi ng shampoo ay nakasaad sa kontrata na hindi siya puwedeng magpaikli ng buhok nang walang paalam.

Kailan kaya liligaya itong si Sarah?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING