Sarah Geronimo, gagawa ng movie kasama ang Hollywood actor na si Zac Efron?!

ADVERTISING

Sarah Geronimo, gagawa ng movie kasama ang Hollywood actor na si Zac Efron?!


Sarah Geronimo, gagawa ng movie kasama ang Hollywood actor na si Zac Efron?!HOLLYWOOD ACTOR
Zac Efron is now in the country and his arrival has caused some interest especially among the fans of Sarah Geronimo.

May kumakalat kasing chikka sa internet na Viva Films is negotiating a movie with Zac na ang leading lady ay si Sarah.

Hindi pa man ay excited much na ang Sarah fans. For them, it’s an ultimate movie. Marami nga ang nagsasabing bagay na bagay ang dalawa, physically, that is.

This early ay maraming fans ni Sarah ang hoping na matutuloy ang pinaplanong movie. They’re keeping their fingers crossed dahil it would mean so much to them na magkaroon ng pelikula ang kanilang idolo kasama ang sikat na Hollywood star.

ADVERTISING

Zac came with his father  David Efron, manager na si Jason Barrett at Hollywood photographer na si Darren Tieste. As we write this ay nasa Misibis Bay Resorts sa Legaspi ang kanilang grupo, enjoying a few days of holiday. Sa September 29 ang appearance ni Zac sa Mall of Asia Arena para sa Penshoppe Fan Conference.

We saw a photo of Zac habang sakay ng private plane-challenger 850 kasama ang kanyang dad. He was also photographed while inside Misibis Bay.

 

DANIEL MATSUNAGA and Eula Caballero are rumored to be lovers.

That’s the latest showbiz dish about Heart Evangelista’s ex-boyfriend.

Not a few have noticed the extra sweetness that they display on the set of their shows on TV5, isang horror series and isang game show.

If rumors are to be believed, the Brazilian hunk is said to be paying extra attention to Eula’s needs. Lagi raw itong kausap ni Eula at based on their actions, mukhang papunta na sa pagiging magdyowa ang dalawa, that is, kung hindi pa sila magsyota, ha?

Sarah Geronimo, gagawa ng movie kasama ang Hollywood actor na si Zac Efron?!

Wala naman sigurong masama dahil pareho naman silang single.

 

AS EXPECTED ay maraming fans ang nagpadala raw ng hate mails sa ABS-CBN.

This was after the news went public na tuloy na tuloy ang pagsasama nina Gerald Anderson at Cristine Reyes.

Super dami pala talaga ang may ayaw na magkasama ang dalawa. Feeling ng Gerald fans ay hihilahin lang pababa ni Cristine ang kanilang idolo. Hindi raw magandang tingnan ang dalawa at wala raw silang chemistry.

Actually, ang hindi magandang image ni Cristine ang inaayawan ng Gerald fans. Magmula kasi nang mabuking ang paninira diumano ni Cristine sa kanyang ate na si Ara Mina ay negang-nega na ang kanyang image sa publiko.

Ang request pa ng fans sa Dos, ang Captain Barbell na lang ang isunod na project ni Gerald at hindi ang soap na pagsasamahan nila ni Cristine.

We feel na hindi na makababangon si Cristine sa kanyang negative image. Masyadong tumatak kasi sa publiko ang ginawa niya sa kanyang kapatid at tila mahaba-habang panahon pa niyang pagbabayaran ‘yon.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING