Sarah Geronimo, flop ang concert sa Baguio

ADVERTISING

Sarah Geronimo, flop ang concert sa Baguio

Sarah-GeronimoSarah-GeronimoFLOP PALA ang concert ni Sarah Geronimo sa Country Club Baguio City last December 27. Kuwento ng kaibigan naming nakasaksi sa nasabing event dahil naka-check-in ito kasama ang buong pamilya sa nasabing hotel.

Kahit hindi siya nanood, naririnig sa buong country club ang boses ni Sarah dahil sa lakas ng sound system. Hindi raw napuno ng Pop Princess ang venue. Buti na lang daw, may hakot na mga fans ang dalaga kaya kahit papaano may nanood ng kanyang show.

Imbes daw na matuwa ang mga mga nagbabakasyon para makapagpahinga, nabulabog ang mga ito at nabuwisit kay Sarah dahil sa ingay ng kanta ni Sarah. Maraming nag-complain sa front desk dahil sa ingay na dulot ng sound system.

Hindi bale raw sana kung pleasant to their ears ang boses ng singer/actress. Palibhasa first time niyang narinig umawit  nang live si Sarah, hindi nito nagustuhan ang timbre ng boses. Iba pala raw ang boses ng dalaga sa live kaysa sa CD, kinakain raw nito ang lyrics ng song.

ADVERTISING

 

SOBRA KAMING nag-enjoy sa repeat concert for the 3rd time entitled “Playlist” ni Lea Salonga sa PICC last Saturday, January 20,2014. World class talaga ang boses ng international singer/actress. Napuno pa rin niya ang venue kahit may kamahalan ang ticket, sulit naman.

Through the years, walang pinagbago ang timbre ng boses ni Lea in live performance, parang CD ang dating sa amin. Maganda ang line-up of songs na kinanta niya, hit songs from the 70’s to 90’s. Nag-Alicia Key song ito sa opening number.

Sina Bitoy at Rachelle Ann Go ang special guests ni Lea na parehong nakipag-duets sa kanilang idol with one solo number. Nang gabing ‘yun, surprise na ipinakilala ng Broadway actress ang kanyang one and only daughter na si Nicole for her solo number. Eksena rin si Martin Nievera on stage, duet with the International Diva.

Puro rich people ang audience ni Lea. Present sina Madam Charo Santos, Malou Santos, Direk Olivia Lamasan, Bamboo at  Iza Calzado kasama ang dyowa na nagmamadaling umalis. Behave lang ang mga fans na pinanonood ang kanilang idolong nagpe-perform on stage.

Pagkatapos umawit, matunong na palakpakan ang ibibigay ng manonood sa international singer. The concert is to celebrate her 35 years in the industry.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING