Sarah Geronimo, ‘di na naiilang kay John Lloyd Cruz

ADVERTISING

Sarah Geronimo, ‘di na naiilang kay John Lloyd Cruz

Sarah Geronimo, ‘di na naiilang kay John Lloyd CruzISA SA mga inaaba-ngang pelikula ngayon ay ang pagbabalik-tambalan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Una nila tayong pinakilig with their blockbuster movies A Very Special Love at You Changed My Life. Ngayon ay muling magbabalik ang mga kinakikiligang karakter na sina Miggy Montenegro at Laida Magtalas sa ikatlong pagkakataon.

ADVERTISING

Sarah said, “Ang goal namin, maibalik iyong kilig na naramdaman nila [ng publiko] doon sa first movie pa lang. As we end the love story of Miggy and Laida, sana may maiwan kaming lessons sa kanila.”

Sinabi ni Sarah na masaya siya na muling makatrabaho si Lloydie. “It’s a joy kasi ang tagal na the last time we worked together. Masaya ako na nanumbalik iyong friendship namin, iyong magandang working relationship namin. Masaya kami sa set. I’m happy to see him.”

Isang bukas na libro sa showbiz ang anumang namagitan sa kanilang dalawa. Nagkaroon man ng kaun-ting alingas-ngas noon, pero ngayon ay okay na ang lahat. Sabi nga, all’s well that ends well. Hindi na raw sila nagkakailangan sabi ni Sarah. “Sobrang kumportable ako sa kanya kasi ganoon din niya pinaramdam sa akin noong una kaming nagkatrabaho.”

ADVERTISING

Many are curious if they are putting the love story of Miggy and Laida to a higher level. Kung may kissing scene na raw sila ngayon sa pelikula, iyon ang dapat pakaabangan ng mga manonood.

Maliban sa kanyang bagong pelikula ay parang nasa alapaap ngayon si Sarah dahil sa dami ng mga nakakamit niyang tagumpay ngayon. Aside from winning the Best Asian Artist-Philippines at the recent 2012 Mnet Asian Music Awards, she was also appointed as Bayanihan Ambassadress of the Armed Forces of the Philippines. Tumanggap din siya ng Best Female Major Concert Award sa 25th Aliw Awards for her 24/SG Concert.

May nagsabi tuloy na Sarah now only needs a boyfriend para kumpleto na. Pero sabi niya, “Wala iyon. ‘Di totoo iyon. ‘Di naman iyon ang makapagkukumpleto sa akin as a person. Iyong pagmamahal ko talaga, unang-una muna sa Diyos at saka sa sarili ko pa lang, natutunan ko iyon. Siyempre panalo na ako sa mga pagmamahal ng mga tao sa paligid ko so wala na akong hihilingin pa. I could not ask for more.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING