Sarah Geronimo, ‘di kayang titigan si Piolo Pascual

Sarah Geronimo, ‘di kayang titigan si Piolo Pascual

Sarah-GeronimoNOON PA naman ay very vocal na si Sarah Geronimo na super crush niya si Piolo Pascual kaya laking tuwa at saya niya nang pagsamahin sila sa pelikulang The Break-up Playist under Star Cinema.

Inamin ni Sarah na sobrang nahirapan daw siya sa mga eksena nila ni Piolo na magkasama dahil sa sobrang pagka-mesmerize niya sa kaguwapuhan ng actor.

Akala raw niya noon, na-overcome na niya ang pagka-kilig kay Piolo at saka pagka-mesmerize sa actor. Pero nagkamali raw siya, dahil kapag may eksena na raw sila, lalo’t ang scene ay magkaharap sila at nagkakatitigan ay para raw siyang natutunaw dahil sa sobrang guwapo ng actor.

Naitanong tuloy kay Sarah, kung paano na si John Lloyd Cruz? Kaagad na sagot daw ng actress ay magkaiba ang dalawa at walang dapat ipagkumpara dahil una ay parehong magaling na actor ang mga ito.

Ang mahalaga, sobrang saya raw niya dahil natupad na rin ang matagal na niyang pangarap na makasama sa pelikula si Piolo. Gagampanan niya ang role ng aspiring musician at si Piolo ang magiging mentor niya.

Marami ang natuwa sa ipinakitang eksena nila ni Piolo, kung saan ay nagtitigan sila habang kumakanta. Hindi naitago sa mukha ni Sarah na hirap na hirap ito. Nasabi nga raw tuloy nito sa kanilang director, “Direk, ang hirap ng pinagagawa n’yo sa akin, ha?” At one point ay napaupo si Sarah na parang natutunaw sa titig ni Piolo na ikinatuwa naman sa kanya ng actor.

Samantala, si Sarah G ang magiging bagong endorser ng Aficionado Perfume owned by Sir Joel Cruz. Kung hindi kami nagkakamali, next month na ang launching kung saan ay gagawan din siya ng sariling pabango na pangmasa ang price para ma-afford ng mga tumatangkilik sa mga pabango ng Aficionado.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo