Sarah Geronimo, ‘di alam na dalawa ang kontrata niya sa Dos?!

ADVERTISING

Sarah Geronimo, ‘di alam na dalawa ang kontrata niya sa Dos?!

Sarah Geronimo, ‘di alam na dalawa ang kontrata niya sa Dos?!NAKAKALOKA! BAGO pa man pumutok ang isyu ng pag-quit daw ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi noong Sabado, may iba pang pasabog ang show via showbiz reporters na kasama sa segment na Paparazzabog. Dalawang team ang naglalaban-laban, sa Team A ay kasama sina Jun Lalin, Richard Pinlac at Mercy Lejarde. Sa Team B naman ay kasama sina Morly Alinio, Rey Pumaloy at John Fontanilla.

Ang kuwento ni Jun Lalin ay tungkol sa pagsasamahang bagong pelikula nina Jake Cuenca, Lovi Poe at Baron Geisler. Ang nakakaloka sa kanyang kuwento ay may love scene daw rito sina Baron at Jake kung saan bading ang role ni Jake.

Kuwento naman ni Richard Pinlac, may dalawa raw kontrata si Sarah Geronimo sa ABS-CBN. Isa rito ay may maliit na halagang involved at ang isa ay may malaking halaga namang naka-stipulate. Ang nakakaloka, hindi raw alam ni Sarah G. ang tungkol sa pangalawang kontrata. May ganu’n? Bukas ang kolum na ito sa anumang reaksiyon mula sa panig nang mga nabanggit.

 

ADVERTISING

DUMAAN KAMI sa presscon ni Daniel Matsunaga noong Biyernes at magiliw na sinagot ni Daniel ang lahat ng mga tanong sa kanya ng mga invited press.

Halakhakan ang lahat nang medyo may nagtanong ng naughty kay Daniel tungkol sa size ng kanyang… ahem. Pero hindi niya ito sinagot nang tuwiran. Tawa lang ito nang tawa.

Tungkol naman sa pagkaka-link sa kanya kay Glaiza de Castro, nilinaw niyang friends lang sila. Kinumusta lang niya ito sa twitter at wala nang iba pa.

Nang matanong si Daniel kung gusto ba niyang maging Filipino citizen, say niya, “Yes, gusto ko. I’m, happy here.”

Happy si Daniel at tatlo agad ang programa niya sa TV5, ito ay ang Game N’ Go, Thirdy Eye at ang Enchanted Garden.

Congrats Daniel!!!

 

AT LAST, nakapunta na rin kami sa Makati Medical Center para magbantay sa anumang latest sa kalusugan at kalagayan ng ating Comedy King noong Biyernes. Sobrang init sa may media area pero may mga tent nang isinet-up ang bawat network na nagko-cover doon.

At noong Sabado rin ay nag-live feed kami with our host Dolly Ann Carvajal para naman sa Paparazzi. Ang latest na natanggap namin from Eric Quizon noong Sabado ay ang tungkol sa pagbabalik ng dialysis kay Mang Dolphy na itinigil noong Huwebes dahil sa Pneumonia raw na naranasan ng Comedy King.

Ayon pa sa text ni Eric, “Resumed dialysis today, hopefully, he withstands it for at least five hours. Platelet concentrate transfusion administered.”

Patuloy po sana nating ipagdasal ang mabilis na paggaling ni Mang Dolphy.

 

NAKATANGGAP KAMI ng text message mula sa isang source. Ito ay nanggaling kay Mr. Fu at humihingi siya ng paumanhin kay Ruffa Gutierrez if ‘she got offended’ sa tanong niya sa Bulong Segment ng show.

Ayon pa sa text statement from Mr. Fu, “For the record, I did not mention any foul terms in Paparazzi’s Bulong segment. It was the same question that I asked to other guests who became part of the segment. I apologize to Ruffa if she got offended.

“The writers and staff did not intend to ruin her birthday celebration. It was all for fun but again, I am sorry if things turned out this way. I am still proud of our show Paparazzi because I know I am working with hardworking and talented people. All the best to all of us.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING