Sarah Geronimo, daig pa ang ibang Diva sa dami ng signature perfumes at colognes

Sarah Geronimo, daig pa ang ibang Diva sa dami ng signature perfumes at colognes

Sarah-Geronimo-Joel-CruzNAGING MATAGUMPAY ang launching ng pabango at cologne (Aficionado Germany Perfume) ni Sarah Geronimo sa ASAP last Sunday, May 17, kung saan isang bonggang-bonggang production ang inihanda nito.
Present ang buong pamilya ng Aficionado Germany Perfume sa pangunguna ni Mr. Joel Cruz CEO/ President ng Central Affirmative Company, Inc. at ang kanyang two kids na sina Prince Sean at Princess Synne.
Seven different scents ang pabango ni Sarah, ang Diverse, Sarah G Likes You, Treasures, Bloom and Blush. Samantalang ang kanyang seven colognes naman ay ang Harmony, Symphony, Diva, Melody, Serene, Waves, at Pop.
Sabay ng launching sa ASAP ng pabango ni Sarah ang paglabas ng naglalakihang billboards nito sa Pilipinas at ang kauna-unahang jingle ng Aficionado Germany Perfume na may MTV na si Sarah mismo ang umawit.

Angeline-Quinto-Erik-Santos Angeline Quinto at Erik Santos, magsasama sa SMDC Date Night

MAGSASAMA SA isang show na hatid ng SMDC na siyang nagbibigay ng series of shows ng mga sikat na mang-aawit  sa bansa ang dalawang equally award-winning singers na sina Erik Santos at Angeline Quinto, entitled “Moments of Love” na hatid ng SMDC Date Night na magaganap sa May 20, 2015, 6 pm sa SMDC Grand Showroom, SM Mall of Asia Complex, Pasay City.
Aawitin nina Erik at Angeline ang mga walang kamatayang classic songs, ang mga nakai-in love na romantic ballads, mga hit songs ng kasalukuyan, at ang mga awiting kanilang pinasikat.
Sylvia-SanchezSylvia Sanchez, wish ang malusog at malakas na pangangatawan sa kanyang kaarawan

NAGDIWANG NG kaarawan last May 19 ang award-winning at isa sa napakabait na actress sa showbiz na si Ms. Sylvia Sanchez .
Wish ni Ms. Sylvia ang pagkakaroon ng malakas at malusog na pangangatawan, sampu ng kanyang mga mahal sa buhay, at ang ang pagkakaroon ng magagandang proyekto ngayong taon, ‘di lang sa kanya kung hindi maging sa kanyang anak na sa Arjo Atayde.
Sa ngayon ay busy ang mahusay na actress sa kanyang mga guestings sa iba’t ibang shows ng ABS-CBN habang naghihintay pa ng panibagong soap na ibibigay sa kanya ng Kapamilya Network.

John’s Point
by John Fontanilla