Sarah Geronimo, dagdag sa pamilya ng Aficionado

Sarah Geronimo, dagdag sa pamilya ng Aficionado

Sarah-GeronimoPUSPUSAN NA ang paghahandang ginagawa ng buong team ng Central Afirmative Company (CAC), makers of Aficionado Germany Perfume at Joel Cruz Signatures sa launching ng pabango ng Pop Star Princess na si Sarah Geronimo  na magaganap sa May 17, 2015 sa ASAP sa ABS-CBN.
Ayon nga sa CEO/President ng CAC na si Sir Joel Cruz, masaya sila na part na ng kanilang kumpanya si Sarah, at alam daw nila na malaki ang maitutulong nito para mas tangkilikin pa ng mga Pinoy ang kanilang mga produkto.
Bukod kay Sarah, ilan pa sa nga image model ng Aficionado Germany Perfume at may kanya-kanyang sariling pabango sina Erich Gonzales, Ejay Falcon, Gary Valenciano, Ronnie Liang, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla