Sarah Geronimo-Cristine Reyes truce, just for show?

Sarah Geronimo-Cristine Reyes truce, just for show?

Sarah Geronimo-Cristine Reyes truce, just for show?OLACHIKKA! NOW NA! Plastikan lang daw ang pagbabati nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes?! Nakakalurkey, huh! Buhket? Siyempre, parehong Viva artist ang dalawa, ‘di ba? At talagang gagawa sila ng paraan para hindi maapektuhan ang pelikula nina Sarah at Gerald Anderson. Hindi ba ngayon ang premiere nun? Hahaha!

Kaya timing ang pagbabati ng dalawa! Ano nga ba ang title ng pelikula ng dalawa? Hanggang ngayon, e hindi ko pa alam! Hahaha. Kalurkey!

Teka, paano na ang fans ni Kim Chiu na nangga-galaite sa kamalditahan daw ni Sarah? Marami rin ang galit kay Sarah, ‘di ba? Dahil may attitude problem nga siya! Ilang beses ko nang naisulat ‘yan. Palubog na nga ang career niya, ‘no! Hahaha!

Dumugin kaya ang premiere ng pelikula nila ni Gerald, Mommy Divine? Ano sa tingin n’yo mga ka-Parazzi?

SHOCKED DAW SI Gov. Vilma Santos nang mapanood nito ang movie nina Luis Manzano at Anne Curtis. Nagpakita kasi ng puwet ang anak niya! Pero okey lang daw naman ‘yon kay Ate Vi. Malinis naman daw ang pagkakagawa at ‘yon lang naman daw ang ginawa ni Luis sa pelikula. Malaki rin daw ang tiwala ni Ate Vi sa anak

Very proud din daw siya kay Luis dahil sa negosyante rin ito. May 70 na palang taxi ang actor? Bongga, ‘di ba?

Tungkol naman sa nangyaring pag-ambush sa isang staff niya, hindi raw si Ate Vi ang target ng gumawa nun. Wala raw gustong pumatay sa kanya, paniniguro pa ng Star For All Seasons sa mga nag-alala niyang fans.

BLIND ITEM: SINO ang aktres na ito na magaling talagang umarte, pero akala mo kung sino kung makaasta? Naka-share kasi ng hitad sa isang dressing room ang isa ring aktres kasama ang personal assistant nito. Ang siste, inutus-utusan niya rin ito.

Grabe raw kung makautos ang aktres, kaya napikon na ang PA kaya sinigawan at sinagot na niya ito. Hahaha!

Nakahanap siya ng katapat! Napahiya kasi sa buong set ang aktres. Hahaha!

For more chikka more fun, makinig na lang kayo Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 ng tanghali sa DWSS 1494KHZ, kasama ko si Lady Camille. Subaybayan pa rin ang programa ko tuwing Linggo sa DZRH 666KHZ, 2:30-3:30 ng hapon.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding