Sarah Geronimo at Coco Martin, natupad ang wish na muling magtambal

ADVERTISING

Sarah Geronimo at Coco Martin, natupad ang wish na muling magtambal

Sarah-Geronimo-Coco-MartinNAGING MAGANDA naman ang tratuhan nina Sarah Geronimo at Coco Martin nu’ng unang magkasama sila sa isang teleserye ng ABS-CBN na may pagka-musical. Magmula noon, nag-wish ulit ang dalawa, na sana, ang una nilang pagsasama sa trabaho ay masundan pa. kaya nga isang malaking katuparan para sa kanila ang muli nilang pagtatambal sa pelikulang Maybe This Time ng Star Cinema at Viva Films, dahil muling nabigyan ng pagkakataon ang kanilang friendship.

Hindi siyempre maiiwasang ikumpara ang pagsasama nina Sarah at Coco sa naging matagumpay na ilang pakikipagtambal ni SG kay John Lloyd Cruz, kung saan ilang ulit ding tinanghal na Box-Office King & Queen ang dalawa.  Nag-click sina Sarah at Lloydie, dahil pareho daw silang mababait na mga anak na laging inuuna ang kanilang pamilya sa kabila ng kanilang kasikatan. Ngayon kasi ay positive din ang tingin sa tambalang Sarah at Coco.

Kung hanggang ngayon, napakadakila pa ring anak ni Sarah sa kanyang mga magulang, dahil kahit malayo na ang narating ng kanyang kasikatan ay hindi pa rin niya napapabayaan ang kanyang pamilya. ‘Tulad ni John Lloyd, si Coco rin ay sobrang magmahal sa kanyang pamilya. Kahit sikat na sikat na si Coco at nagkukulang na halos siya ng panahon sa ibang bagay dahil sa dami ng kanyang trabaho bilang artista, inuuna pa rin niya ang kapakanan ng kanyang pamilya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING