Sarah Geronimo-Coco Martin movie, Graded B ng CEB

ADVERTISING

Sarah Geronimo-Coco Martin movie, Graded B ng CEB

Sarah-Geronimo-Coco-MartinAYAN TULOY. Dahil diyan, Graded B by the Cinema Evaluation Board ang Maybe This Time na showing na today sa 100 plus theaters nationwide na ang nakakalokah, dahil sa mga followers namin abroad sa twitter ay tinatanong na kung kelan ang international screenings.

At ang nakakalokah pa nito, andami nang nanghihingi ng passes sa amin, hindi pa man ipinapalabas, kaya sana ‘yung mga ganitong reaksiyon ng tao ay ma-transform sa box-office result ng tambalang CoSa (Coco Martin-Sarah Geronimo).

Siyempre, super proud ang inyong lingkod na mapasama sa Star Cinema and Viva Film movie na ito, ‘no! At super proud kami sa aming appearance dito, dahil feeling namin, mga lampas sampu ang eksena namin dito, alam na, ha?

Hahahahaha! Binilang talaga?

ADVERTISING

Anyway, ‘pag Graded B, ibig sabihin, nagandahan sa pelikula ang screening committee ng CEB at 50% tax rebate pa, antaray, ‘di ba?

Congrats in advance sa lahat ng staff, crew and cast at sa nagtiwala sa aking kaibigan, Direk Jerry Lopez Sineneng.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING