Sarah Geronimo, close at nagba-bonding sa pamilya ni Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo, close at nagba-bonding sa pamilya ni Matteo GuidicelliNoong Valentine’s Day, pinagpiyestahan ng fans ang litrato nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na kuha sa isang hotel sa Makati City na magka-date at kumakain. Pawang positive feedbacks ang nakuha ng nasabi litrato at umani ng maraming likes.

Sa premiere night ng pinagbibidahang pelikula na “Tupang Ligaw” na ginanap sa Fisher Mall sa Quezon City, nahingan ng reaksiyon ang binata kaugnay nito.

Masayang-masaya ang aktor. Aniya, “Maraming salamat, that’s the whole purpose of love, you know. The whole purpose of love is to let everybody be happy. There’s no reason, there’s no touch of sadness or negativity. It’s all about good vibes, so you’re happy, everybody’s happy, ‘yun talaga ‘yun.”

Binanggit din ni Matteo na close si Sarah sa kanyang pamilya.

“The whole family is happy with Sarah, she’s an awesome girl. They usually have a good time together, family bonding kumbaga.”

May isa pa ngang larawan na kuha sa City Kart Racing sa Makati City, kung saan kasama nina Matteo at Sarah ang nakababatang kapatid ng binata na si Paolo.

Nang usisain tungkol dito, sabi lang ni Matteo, “Yeah, I guess hang out-hang out. Basta masaya lang kami, chill lang.”

By Parazzi Boy