Sarah Geronimo, bitter pa rin sa nangyari sa lovelife!

ADVERTISING

Sarah Geronimo, bitter pa rin sa nangyari sa lovelife!

Sarah Geronimo, bitter pa rin sa nangyari sa lovelife!TALAGANG BITTER pa rin itong si Sarah Geronimo sa nangyari sa kanyang love life. Until now kasi ay tila pinariringgan pa niya si Gerald Anderson.

Na kesyo sa next suitor niya, dapat nitong malaman na package siya, meaning, kasama ang kanyang pamil-ya kapag siya ay niligawan.

How funny can she get!

At ang lokah, nanginginig pa nang ipagtanggol ang kanyang mother dear sa mga namba-bash dito. Kesyo hindi alam ng mga tao ang totoong nangyari sa kanila ni Gerald at ng mommy niya kaya tigilan na raw ang pangba-bash kay Divine.

ADVERTISING

You can tell it to the marines! Kung nasusulat na negatively ang madir mo ay kanya rin naman iyong kagagawan. She had it coming. Masyado kasi siyang protective sa ‘yo. At marami siyang drama when it comes to food.

‘Kaw na rin ang nagsabi na muntik nang hindi matuloy ang trip mo sa Brazil with KC Concepcion. We can only guess na it’s because of your mom.

 

Sarah Geronimo, bitter pa rin sa nangyari sa lovelife!UP UNTIL now ay napaka-plastic pa rin nitong si Vilma Something.

She was saying in her past interviews na gusto niyang ma-meet si Ate Guy at welcome siyang makatrabaho ito pero until now ay hindi pa sila nagkikita.

When Vilma Something was offered a movie with Ate Guy and Coco Martin, tinanggihan naman niya ito, kesyo may conflict daw sa kanyang schedule.

And now comes the news na gagawa siya ng indie film with Jeffrey Jeturian as director na isasama sa Cinemalaya.

Takot na takot pa rin si Vilma Something kay Ate Guy. Wala kasi siyang binatbat sa acting. At kung makakasama pa niya si Coco, eh, ‘di lalo lang makikita ng publiko kung gaano siya kabanong umarte!

 

MERONG BAGONG TV show si Tita Maggie dela Riva. But this time, she’s co-hosting with Ana Rivera of Fire and businesswoman Susan Barlin of Forever Rich Philippines, Inc. (FRPI).

The show is Be Alive, a talk show in which every episode ay tampok ang isa o dalawang tao na magpapatunay sa efficacy ng Laminine, ang supplement na available lamang through networking.

Kuwento ni Tita Maggie, nabawasan ang pananakit ng kanyang katawan at mas gumaan ang kanyang pakiramdam after taking Laminine.

“Nakaya ko na ang pagbaba-taas sa hagdan,” sabi niya. That time, sumabak sa sayawan si Tita Maggie dahil meron siyang dance number sa Christmas party.

The same is true with Ana na nagsabing noong una ay nag-doubt siya nang malaman niyang through networking lang mabibili ang nasabing food supplement. She initially doubted the effectivity ng gamot until she tried it herself at naging maginhawa naman ang kanyang pakiramdam.

Be Alive, a health recovery program and lifestyle show is aired every Sunday, 9:00 a.m. on GMA News TV.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING