Sarah Geronimo, bantay-sarado ang pakikipag-date kay Matteo Gudicelli

ADVERTISING

Sarah Geronimo, bantay-sarado ang pakikipag-date kay Matteo Gudicelli

Sarah-GeronimoKAHIT MAY blessing na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nina Mommy Divine at Daddy Delfin, bantay-sarado naman ang mga ito sa body guard at yaya ng singer- actress. Tuwing nagde-date daw ang dalawa, kailangang every one hour magre-report ang alipores ni Sarah sa kanyang mga magulang kung saan nagpunta, ano ang ginawa at may pagkakataon ang spy ni Mommy Divine na malaman ang pinag-uusapan nina Sarah at Matteo.

Kung minsan daw, naiirita si Sarah sa kanyang yaya dahil sobra ang pagbabantay nito sa kanya. Maging sa shooting nga raw, tuwing magri-ring ang cellphone ng dalaga, super alert ang julalay kung sino ang nasa kabilang linya. Tatanungin pa nga raw si Sarah kung sino ang kausap nito at kung sino ang kanyang tinatawagan.

Katuwiran ng alalay ni Sarah, trabaho lang ang ginagawa niya. Ayaw nitong mawalan ng trabaho kaya sinusunod niya ang ipinagagawa sa kanya ni Mommy Divine. Alam naman ng Pop Princess at sumang-ayon naman daw ito sa gustong mangyari ng kanyang ina. Kahit may blessing ang dalawa, tipong nasasakal si Sarah sa sobrang higpit ng kanyang mga guwardiya. Ewan lang kung alam ito ni Matteo.

Kahit ganu’n ang sitwasyon ni Sarah, okay na rin sa kanya. Ang importante, pinayagan na siyang makipag-boyfriend. Segurista nga raw maituturing ang mga magulang ng actress. Pinaimbistigahan pa nga raw ng pamilya ng actress ang status ng kabuhayan ni Matteo sa Cebu bago nito ibinigay ang blessing kina Sarah at Matteo.

ADVERTISING

Well, masasabing isa sa pinakamayaman sa Cebu ang pamilya ni Matteo. Kilala ang kanilang angkan at nirerespeto sa nasabing lalawigan. Gusto lang makasiguro si Mommy Divine kung nasa mabuting kamay ang anak niya. Kung anu’t anuman ang ang mangyari, mabuntis man si Sarah, kaya ni Matteo na buhayin ang actress. Ayaw lang nitong mangyari na si Sarah pa ang bubuhay sa magiging asawa nito.

Huwag raw mag-alala si Mommy Divine dahil marami pang gustong gawin at mga pangarap si Sarah na gusto nitong magkaroon ng katuparan. All support naman daw si Matteo sa mga gusto pang ma-accomplish ng singer-actress in ther near future. As of now, they’re happy sa takbo ng kanilang relationship.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING