Sarah Geronimo, bagong endorser ng pabango

Sarah Geronimo, bagong endorser ng pabango

 

Sarah-GeronimoHINDI NA nga naitago at nailihim pa ng Lord of the Scent na si Joel Cruz na si Sarah Geronimo ang susunod nilang endorser ng Afionado Perfurme nang magpa-interview sa ginanap na blessing ng kanyang mala-palasyong bahay sa Sisa Street, Sampaloc, Manila last February 19.

Ayon kay Sir Joel, dapat nga raw ay hindi muna nila ito sasabihin, pero hindi na raw kasi nailihim sa mga fans ni Sarah kaya nalaman na rin ito.

“Sa March 1 sana ang launching ni Sarah pero kinailangan naming iatras sa May 1 para mapaghandaan nang husto. Gagawan din namin siya ng sariling perfurme na babagay kay Sarah,” say ni Sir Joel.

When asked why si Sarah?

“Maganda naman ang image niya hanggang ngayon. Naprotektahan ni Sarah ang magandang image. Walang negative isyu sa kanya. Hanggang ngayon wala kang mababalitaan na maraming naging boyfriend at naging pasaway sa magulang at sa showbiz. Matagal ko na siyang gustong maging endorser ng Aficionado perfurmed,” say pa ni Sir Joel.

Samantalang sa ginanap na blessing ay tatlong celebration ang naganap, una ay pagse-celebrate ng 50th birthday ni Sir Joel, ikalawa ay tribute niya sa kanyang ina na inialay niya ang bagong tahanan sa nag-iisa niyang mapagmahal na nanay, at ikatlo ay pagse-celebrate ng Chinese New Year, kaya naman bonggang-bongga ang nangyaring celebration.

Dumating ang mga artista ng tatlong network at ang higit na nagpasaya sa selebrasyon ay nagkaroon ng mini-concert sina Sitti, Richard Poon, at si Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano na talaga namang nagpasaya sa mga taga-Sampaloc, Manila. Hindi pa rin kumukupas si Gary pagdating sa pagpe-performe. Sobrang galing at talaga namang pinasaya niya ang lahat ng naninirahan sa Sisa Street at sa mga kalapit na lugar ng pinagtayuan ng bahay ni Sir Joel.

Kay Sir Joel, happy birthday! Saludo po kami sa ginawa ninyo kasiyahan at pagmamahal sa mabait niyang nanay at mga kapatid.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo