Sarah Geronimo, ayaw makasama si Toni Gonzaga sa pelikula?!

ADVERTISING

Sarah Geronimo, ayaw makasama si Toni Gonzaga sa pelikula?!MAY ISYUNG AYAW raw ng pamilya ni Sarah Geronimo na makasama si Toni Gonzaga sa isang pelikula. May niluluto kasing project ang Star Cinema na magtatampok sa kanilang dalawa na pagsasamahan nila nina Rayver Cruz at Vhong Navarro.

May nagsasabing malaki na raw ang ipinagbago ng pag-uugali at pakikiharap sa tao nitong si Toni, feeling superstar na raw ito kung umasta! Maging ang Viva Films, hindi sang-ayon sa pagsasama ng dalawa. Sikat na nga ba talaga si Toni para pag-ukulan ng pansin like Sarah?

ADVERTISING

Nakarating kay Toni ang tsikang ito, pero hindi agad siya naniniwala hangga’t hindi si Sarah mismo ang magkumpirma ng nasabing balita. Para sa Pop Princess, dream niyang makasama ang TV host/actress. Kung matutuloy ang project, magkapatid ang papel na kanilang gagampanan. Kaso mo nga, hindi naman si Sarah ang nagdedesisyon kundi ang mga taong nakapaligid sa kanya. Ang tanong, papayag ba naman si Toni na mauna sa billing ang pangalan ni Sarah kaysa sa kanya?

BALIK-TAMBALAN MULI SINA Iza Calzado at Dingdong Dantes sa upcoming soap ng GMA 7 na Stairway to Heaven. It’s a Koreanovela na nagpaiyak sa masang Pilipino at ngayon nga, gagawin na itong Pinoy version. Ngayon pa lang excited na ang kanilang mga fans sa balik-tambalan nilang dalawa.

Nagdadalawang-isip nga lang si Iza kung tatanggapin niya ang project na ito. Ayon sa kanya, parang hindi bagay ang role ng lead actress na si Jodi sa Pinoy version nito kung saan gaganap na Cholo si Dingdong. Pakiramdam ni Iza, matapang ang features niya, samantalang very weak ang features ng gumanap sa Korean version. Sabi nga namin, sa kinis at ganda ng mukha ni Iza, imposibleng hindi mapalambot ito ng make-up. Katatapos lang niyang gawin ang indie film na Dukot with Direk Joel Lamangan.

ADVERTISING

SINASABING SI EULA Valdez ang dahilan ng pagkaurong ng playdate ng teleseryeng The Wedding na pinagbibidahan ni Anne Curtis. Two years in the making na ang nasabing soap. Nakapag-taping na ang magaling na actress nang bigla na lang itong mahinto. Nagkataon naman nag-lapse na rin ang kanyang kontrata sa Kapamilya network at lumipat na siya sa GMA7.

Inamin ni Eula na malaki ang utang na loob niya sa Dos kaya kinausap niya si Enrico Santos at kinonsider niya ang offer. Basta huwag lang sumabay sa mga shows niya sa Siyete. Masaya ngayon ang actress sa kanyang career sa Siyete dahil sa assurance ng trabaho. Hindi pa nga raw natatapos ang kanyang show, sinasabi na kaagad ang susunod niyang soap project.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING