Sarah Geronimo, ayaw amining may gusto kay John Lloyd Cruz

ADVERTISING

Sarah Geronimo, ayaw amining may gusto kay John Lloyd Cruz

Sarah Geronimo, ayaw amining may gusto kay John Lloyd CruzMARAMI ANG NAG-EMAIL sa akin at ‘yung iba ay hindi ko ma-take kung ano ang mga pinagsasabi. Sa sobrang dami, halos hindi ko na mabasa. Kaya ang ginawa ko, binura kong lahat. Ha! Ha! Ha!

ADVERTISING

Marami ang nag-react tungkol sa naisulat ko rito sa Pinoy Parazzi kung saan na-headline pa ang tungkol kina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Nakikisawsaw raw si Sarah sa isyung Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz!  Nakakaloka, ha! Naiintindihan ko po ang inyong naramdaman dahil fan kayo ni Sarah at hindi lang kayo, isa rin akong fan. Kaya lang, hindi kay Sarah dahil ang hinahangaan ko lang po ay sina Nora Aunor na walang kapalit bilang isang superstar, Inday Susan Roces, Bong Revilla at Ted Failon. Hindi ko po sinisiraan si Sarah Geronimo. ‘Yan po ay balita lamang at ginagawa ko lang po ang aking trabaho. Ika nga, trabaho lang, walang personalan.

Nakakaloka kayo, ha!

Chika pa ng aking parazzi girl,hindi lang maamin-amin ni Sarah na may gusto siya kay  John Lloyd. Pakiyeme-effect pa siya dahil natabunan siya ng Ruffa-John Lloyd issue kaya nakikisawsaw na lang siya sa isyu ng dalawa.

ADVERTISING

At tungkol naman sa nag-e-mail sa akin na napupuno raw ni Sarah ang mga venue ng concert niya kahit super mahal ang tiket.

Ito naman ang masasabi ng aking parazzi girl: Kaya niya napupuno ang venue ay dahil may mga bigatin siyang guests dahil kung siya lang mag-isa ay ewan ko lang!

Naloka ako sa hirit ng aking parazzi girl, ha! Naku, I’m sure, marami na naman ang magre-react. ‘Yun na!

Read Tita Swarding’s Blind Item: Sikat na TV host at director, may ka-dyug sa yate?! here

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING