Sarah Geronimo at Piolo Pascual, ‘di na malaking isyu ang kissing scene

Sarah Geronimo at Piolo Pascual, ‘di na malaking isyu ang kissing scene

Sarah-Geronimo-Piolo-PascualSUS! ISYU ba na malaki ang kissing scene ni Sarah Geronimo at ni Piolo Pascual para sa pelikulang The Break-Up List ng Star Cinema na ipalalabas na come July?

Kahit sinong girls, mapa-dalaga man, may asawa o biyuda, o ‘di kaya’y may senior citizen ID card na, aminado sila na gusto nila si Papa P. Kahit sino, isama mo na ang mga inggitera at inggiterang mga bakla na type nila ang aktor.

At dahil waley sila sa pansin ni Papa P., kung anik-anik na intriga na lang basta-basta ang ibinabato nila tungkol sa sexual preference nito. Lumang issue na pagtatawanan ka na paulit-ulit na wala naman silang mapatunayan.

Basta ako, love ko si Papa P. Hindi ako magtataka kung baka sa magandang relasyon ngayon ni Sarah at ang boyfriend na si Matteo, baka maintriga pa ang dalawa dahil sa kissing scene nila sa kanilang pelikula. ‘Pag nagkataon, kay babaw para mag-react si Matteo na alam kong malaki ang tiwala sa girlfriend.

Aminin man natin, may kilig factor si Papa P. kahit kanino. Sa ngayon, wala pa akong nakikitang male celebrity na puwedeng pumantay sa estado na naabot n Papa P.

Sa pelikula, sa mga Instaram posting ng aktor, may tattoo si Papa P. sa kanyang kanang braso na lalong nagpa-sexy sa kanya, lalo pa’t ang mga muscles niya sa kanyang arms ay seksing-seksi na ang karamihan.

Reyted K
By RK VillaCorta