Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, super sweet ang mga eksena sa kanilang whale shark adventure

ADVERTISING

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, super sweet ang mga eksena sa kanilang whale shark adventure

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli’s whale shark adventure in Cebu

Nag-level up na nga talaga ang Pop Princess na si Sarah Geronimo. Level-up pagdating sa dating buhay niya, na pakiwari ko’y super-duper sheltered mula sa kanyang mga magulang.

Sa edad ni Sarah, late man ay naihabol pa rin niya na maging independent lalo pa’t ang boyfie niyang si Matteo Guidicelli ay nand’yan sa tabi niya na handa siyang suportahan at ipaglaban 24/7.

ADVERTISING

Kamakailan, nag-whale shark adventure ang dalawa sa Oslob, Cebu, kung saan nagkaroon sila ng personal encounter with the butanding.

Sa photos sa Instagram na ngayon ay naging viral, kitang-kita ang “super sweet” na eksena ng dalawa, na kung tama ang bilang namin ay nasa third year na ang relasyon ng dalawa.

Mula nang makumpirma ang relasyon nina Sarah at Matteo, marami na ang nagbago sa buhay ng Pop Princess. Nariyan na nag-aaral na si Sarah kung papaano magluto, maglinis ng bahay (pati ang paghuhugas ng plato), at iba pang gawaing pambahay na iisipin mong getting to the next level (getting married) ang paghahandang ginagawa ng dalaga para sa future at buhay may asawa nila ni Matteo.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING