Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, natatawa lang sa isyung hiwalay na sila

Sarah-Geronimo-Matteo-GuidicelliMAGING SINA Sarah Geronimo at Mattheo Guidicelli, napabalitang hiwalay na rin. Pinabulaan nila pareho ang tungkol sa issue. Wala raw katotohanan ito, going stronger daw ang relationship nilang dalawa. Natatawa lang sila nang makarating sa kanila ang balita.

Walang nakikitang dahilan sina Sarah at Matteo para mauwi sa hiwalayan ang kanilang relationship. Lahat naman daw ng kundisyones ng mag-asawang Mommy Divine at Daddy Delfin ay sinusunod ng actor. Alam ni Matteo kung saan siya lulugar. Tuwing may dinner date sila ni Sarah, isang long table ang pinare-reserve ng binata para sa kanila with the entourage (parents, yaya, bodyguard, at kung sino pang kamag-anak). Akala mo, may okasyon sa dami ng kasama ng Pop Princess.

Palibhasa mahal ni Matteo si Sarah, happy na siyang makasama at makausap ang girlfriend. Kuntento na ito kung ano ang puwedeng ibigay ng singer-actress sa kanilang relationship. Puring-puri naman ng dalaga si Matteo sa pagiging understanding nito. Likas sa binata ang pagiging mabait at down- to-earth kaya madaling nahulog ang loob sa kanya ni Sarah. Masuwerte ang actress-singer kung makatutuluyan niya si Matteo. Bukod sa guwapo, mayaman pa ang angkan nito sa Cebu. Hindi mababawasan ang datung ni Mommy Divine, if ever pakasalan ni Sarah si Matteo.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleToni Gonzaga, ‘di na rin virgin ang pananalita
Next articleKathryn Bernardo, pinag-aagawang iprodyus ng concert

No posts to display