Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, patuloy na nag-iisnaban?!

ADVERTISING

Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, patuloy na nag-iisnaban?!

Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, patuloy na nag-iisnaban?!NAG-IISNABAN NGA BA talaga hanggang ngayon sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo?

May nag-chika kasi sa amin na kahit daw sa ASAP XV every Sunday, hindi raw nag-uusap o nagpapansinan man lang ang dalawa.

Ayon sa isang source namin noon, kailangan pa raw talagang kumbinsihing mabuti ang Pop Star Princess, pati ang Mommy Divine nito na gawin ang part 3 ng pelikula ng young actress-singer at ni John Lloyd. Hanggang sa sinabi na nga ni Sarah na mukhang mahirap nang sundan ang success ng A Very Special Love at You Changed My Life. Nirerespeto naman ni JL ang desisyon ng dalaga.

Pero sana, kahit malabo na o mukhang matatagalan pa talaga bago magkatambal muli sa pelikula ang dalawa, maging magkaibigan pa rin ang reigning Box-Office King and Queen.

ADVERTISING

SPEAKING OF ISNABAN, may pagkaisnabera ba talaga ang baguhang aktres na si Maricar Reyes?

Nagagalingan pa naman kaming umarte kay Maricar bilang Sam sa top-rating teleserye ng ABS-CBN na Imortal.

Nang mag-promote ang buong cast ng Imortal headed by John Lloyd Cruz and Angel Locsin sa Pilipinas, Win Na Win one Saturday before the pilot episode, nakasama namin ni Tita Ethel Ramos, a well-respected entertainment columnist and manager of Angel, si Maricar sa isang dessing room. Napansin namin na hindi man lang bumati sa amin, lalo na kay Tita Ethel ang minsang naging kontrobersiyal na aktres hanggang sa lumabas na kami ng dressing room.

Nang dalawin naman namin ni Tita Ethel two weeks ago si Angel sa taping ng Imortal sa Antipolo, Rizal, nakita naming muli si Maricar nang pinapasok s’ya sandali ng staff sa kuwartong nagsisilbing dressing room ng una at ni Lloydie. Pero sa pangalawang pagkakataong ‘yon, tila dedma pa rin si Maricar sa amin ni Tita Ethel.

GUWAPO TALAGA ANG baguhang young actor na si Albi Casino na love interest ni Kathryn Bernardo sa Mara Clara.

Pero gaano katotoo ang nakarating sa amin na at his early age, at 17, take note, naninigarilyo na raw ang binata?

At how true rin na alam daw ‘yon ng kanyang mother dear na kung minsan pa raw ay kaharap o kasama pa ni Albi habang naninigarilyo?

Sana naman ay hindi ‘to totoo, dahil hindi magandang halimbawa sa mga kapwa n’ya bagets na nag-uumpisang umidolo sa kanya.

NAGBITIW NGA KAYA talaga ng salita ang discoverer at manager ni Enchong Dee na si Keren Pascual na ayaw n’yang i-manage diumano ang ka-loveteam ng alaga n’ya na si Erich Gonzales, kung sakaling magpa-manage ang huli sa kanya in the future?

May nagawa kayang ‘di maganda si Erich sa talent manager, kaya napabalitang nakapagsalita ang huli ng gano’n?

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHS on am band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Maraming salamat po!

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING