Sarah Geronimo at Gerald Anderson, masayang magkasama!

NAGSIMULA NANG ipalabas ang bagong musical variety show ni Sarah Geronimo, ang Sarah G Live. For her opening production number na mala-futuristic ang dating, Sarah emerged onstage in a shimmering outfit and knee-high boots.

Maliban sa pagiging kauna-unahang solo show ni Sarah, ito ang chance ng singer/actress na ma-experience ang mga adventures na gusto niyang gawin with its Sige Go Adventures segment.

Sarah had a cruise on a yacht for her first adventure. Pero ang hindi niya alam ay may inihanda palang sorpresa para sa kanya ang staff ng show dahil inimbitahan nila si Gerald Anderson to have a romantic date with her. Kaya naman when she entered the captain’s cabin at nakita niya si Gerald ay napatili siya. “Welcome to my yacht. Meron akong post-Valentine date para sa iyo,” ang bati ni Gerald sa kanya.

Kailangan naging matalas ang mga mata ng manonood sa body language nina Sarah at Gerald while they were having their romantic date. They also had to read between the lines during their conversation.

Tinanong ni Sarah si Gerald kung kumusta ang estado ng puso niya nga-yon. “Okay naman, steady lang siya ngayon. Masaya naman.” Inamin din ni Sarah na masaya ang kanyang love life. The two were shown holding hands while talking.

Since they love singing ay nag-videoke silang dalawa (like they did during their Valentine’s date). Hinawakan ni Gerald ang kamay ni Sarah habang kinakanta ang linyang “You are so beautiful to me” para ilarawan ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

Pero isang nakakatuwa at hindi inaasahang pahayag ang nabitawan ni Sarah na maging siya mismo ay nagulat sa sinabi. While Gerald was singing If I Was the One ay patuloy pa ring naghahanap ng bagong kanta sa songbook si Sarah at hindi niya namalayan nang sabihin ang “Hanap lang ako, babe” kay Gerald. Biglang huminto si Gerald sa pagkanta at nagtanong, “Anong sabi mo?” Sarah was obviously flustered and tried to explain that the word ‘babe’ came from the lyrics of the song pero hirit ni Gerald, “Walang babe diyan!” Sarah tried hard to conceal her embarrassment.

Pero may salita mang ‘babe’ o wala sa lyrics ng kanta ang mahalaga ay masaya sina Sarah at Gerald kapag magkasama at nagbibigay sila ng inspirasyon sa bawat isa.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articlePiolo Pascual, promo lang ang kagustuhang mag-pari?!
Next articleJobert Sucaldito, nahimasmasan na sa kagagahan!

No posts to display