Sarah Geronimo at Gerald Anderson, gumigimik na naman sa hiwalayan issue?!

ADVERTISING

Sarah Geronimo at Gerald Anderson, gumigimik na naman sa hiwalayan issue?!

Sarah Geronimo at Gerald Anderson, gumigimik na naman sa hiwalayan issue?!

ADVERTISING

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng mga eksenang chikkahan, at maloloka ka talaga sa Earth!

Ano na naman ‘yan? This time ayokong mabuwang sa  Earth sa mga kaek-ekan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson na sila raw ay naghiwalay na. Puwede pa akong maloka, kasi kelan man, wala akong alam na umamin ang isa’t isa na sila ay naging sila. ‘Pag tinatanong ng kahit sinong kasamahan namin sa hanap-buhay, plastic ang sagot, ‘we’re just friends’ or ‘special friends’.

Parang nakakaloko at ewan ko kung ano ang masasabi ng mga Ashralds ba ‘yun, na mga bayarang fans nila, na hindi tulad ng mga fans nina Kim Chiu at Gerald, ang Kimeralds, na walang kiyeme ang paghanga nila. Hanggang ngayon, intact pa rin at laging positive sa mga ginagawa nila para kina Kim at Gerald.

ADVERTISING

May mga lumalabas kasi na wala na sila. Ayon sa sinulat ni Boy Abunda sa nakaraang issue, sinabi raw ni Saranggola na “wala naman po kaming karapatan sa isa’t isa. Wala rin naman akong karapatang magselos kung halimbawang may ma-link sa kanya kasi single siya, single ako… so, bahala na kung ano ang mangyari sa amin.”

“No presure talaga, wala akong karapatang pigilin siya kung may gusto siyang i-date and vice versa. I’m single, si Sarah ay single. We’re just happy kung ano ang relationship namin as friends,” paliwanag naman ni Gerald.

Oh, ‘di ba maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga paasa effect sa itinayong fans club na Ashrald kuning-kuning, ‘di ba? Naloko sila, asang-asa na sila Sarah at Gerald na, ‘yun pala as friends, and the winner is Kimeralds pa rin!

Sabi nila kasi, may project ang dalawa, sina Sarah at Gerald. Tapos na ang project na hindi naman halos as expected kumita ang kanilang pelikula. Walang aangal, kasi nga ang kanilang tambalan ay fake, parang hindi nila matanggap kasi bigla lang namang sumulpot, dahil binuwag ang loveteam nina Kim at Gerald. Pero sa bandang huli, ang Kimeralds pa rin ang nagwagi, kasi balik-tambalan na naman sina Kim at Gerald.

Pero teka, umamin na rin ba sila before na naging sila? Kasi nga, ang rason daw ng hiwalayan nina Sarah at Gerald ay third party. Kasi nga raw, may dini-date itong si Gerald na iba. Hindi tulad ng hiwalayang Kim at Gerald na maliwanag pa sa dilim na si Saranggola ang dahilan, kasi nga pilit na itinambal si Gerald kay Sarah na ang layo sa kanilang pagmumukha.

Basahin n’yo naman ang naging pahayag ni Gerald nang makausap pa rin siya ni Boy Abunda: “Ako po ay nagsasabi sa inyo nang diretso na hindi po talaga kami. Kung maging friends lang kami or maging kami, either way, I’m a very lucky guy. Sobrang special siya talaga sa akin, at grabe rin ‘yung inspiration na ibinibigay sa akin. Lampas na kami roon sa getting to know each other (stage), gusto naming makilala pa ang isa’t isa. Sobrang napakasuwerte ko talaga na nakilala ko s’ya.”

Napakakomplikado ng kanyang statement, kaya ang mga Kimeralds ay hindi talaga naniniwala na naging sila, dahil alam nila ang type ni Gerald sa babae, hindi ang tulad ni Sarah G. kaya nga tigilan na, tama na ang mga ilusyon ng mga fans na naloko sila at kinilig kung mayron man sa kanila nina Sarah at Gerald. Kasi ayon sa aking panlasa, puro palabas lang or isang pelikula, na tapos nang ipalabas. ‘Yun lang! Ang umangal, bungal!

 

BLIND ITEM: Sino naman itong mag-sweetheart kuno na ilang buwan lang ang itinagal at balitang naglive in pa sila, na biglang nga babou sa isa’t isa? Ang dahilan daw ay sobrang selosa ng girl at nu’ng sila pa, ang turing ng girl sa kanya ay driver at alalay, taga-bitbit ng mga abubot ng girl. Mula nang natsugi ang kanilang noontime show, nag-iba ang ihip ng hangin. Chikka nga na wala na sila sa isa’t isa, ang dahilan ay selos. Sa bagay, hindi naman talaga sila bagay. The height!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING