Sarah Geronimo, Anne Curtis, at JaDine, ililipat ng Viva sa Singko?

ADVERTISING

Sarah Geronimo, Anne Curtis, at JaDine, ililipat ng Viva sa Singko?

Nadine-Lustre-James-Reid-Sarah-Geronimo-Anne-CurtisNATATAWA LANG kami sa chikang ipu-pullout na ng Viva ang kanilang talents sa ABS-CBN dahil isang Viva executive ang magpapatakbo ng TV5.

ADVERTISING

Ang chika, ilalagay na lang daw sa TV5 ang mga Viva talents na sina Sarah Geronimo, Anne Curtis, James Reid, at Nadine Lustre kapag natapos na ang kontrata ng mga ito sa Dos.

We felt na hindi mangyayari ‘yon. Sino naman ang manonood sa kanila kung nasa Singko na sila? Meron bang maglilipat ng channel para lang panoorin sila?

Ang ABS-CBN ang top network at pangatlo lang ang TV5. That’s a FACT.

ADVERTISING

How true na disappointed much ang mga celebrities ngayon na nagte-taping ng teleserye for TV5 dahil wala nang buffet.

Ngayon daw, nasa styro na ang food at pare-pareho na ang pagkain ke artista ka o production staff. Wala na rin daw extra rice, kung ano ang laman ng styro ay ‘yun lang ang kakainin mo. Kaya nga raw ang ibang artista, nagpapabili na lang ng food o kaya ay nagbabaon na lang sila.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING