Sarah Geronimo: Ang Kanyang Reel at Real Relationship

ADVERTISING

Sarah Geronimo: Ang Kanyang Reel at Real Relationship

Sarah Geronimo: Ang Kanyang Reel at Real Relationship FOR REEL. Ito ang matatawag sa tambalang John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na nagbigay sa atin ng mga blockbuster movies tulad ng A Very Special Love at You Changed My Life. Ngayon ay muling magbabalik ang mga kinakikiligang karakter nina Miggy Montenegro at Laida Magtalas sa ikatlong pagkakataon with a new movie. Ginanap kamakailan ang story conference para sa pelikulang pagsasamahan nina Lloydie at Sarah at pareho nilang sinabi na excited na silang umpisahan ang pelikula.

Inamin ni Sarah na komportable na siya agad kay Lloydie noong una pa lang silang nagkatrabaho dahil naramdaman niya mula rito ang totoong pakikitungo. Pakiramdam daw niya ay matagal na silang magkakilala.

Pero kung pang-reel man ang samahan nila ni Lloydie ay bulung-bulungan naman ngayon sa apat na sulok ng showbiz na for real na ang relasyon nila ni Gerald Anderson. Hindi malilimutan ang mga tagpo sa pilot episode ng Sarah G Live. On its Sige Go Adventures segment, Gerald surprised Sarah with a post-Valentine date on a yacht. But what caught the viewers’ attention was when Sarah unconsciously told Gerald, “hanap lang ako, babe” habang sila ay kumakanta ng If I Was the One. Babe kaya ang kanilang term of endearment para sa isa’t isa?

Nagpaliwanag si Sarah tungkol sa nakakatuwa at nakakakilig niyang pagtawag ng babe kay Gerald. “Hindi ko rin po alam kung bakit lumabas sa bibig ko iyong babe. Doon sa kanta may baby kasi. Hindi ko alam kung na-adapt ko iyong term of endearment sa akin ni Ate Juday (Judy Ann Santos) na babe. Nagulat din ako.”

ADVERTISING

Magkaibigan daw silang dalawa ni Gerald at gusto niyang mag-blossom iyong friendship nila. “Masyadong maaga para pangunahan po natin iyon.”

Pero mas lumevel-up pa ang pangyayari nang bisitahin siya ni Gerald sa second episode ng kanyang show. It was obvious that she was surprised when the young actor came onstage while she was describing her ideal man to the audience. You may call it right timing. Hindi siya nakapagsalita ng ilang sandali at tinanong si Gerald kung bakit siya nasa studio. Nakatingin lang kay Sarah habang hawak ang kanyang kamay si Gerald who is undoubtedly smitten by her charm. Hindi man nila diretsong aminin ay kitang-kita na special sila sa isa’t isa. Sabi nga, actions speak louder than words.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING