Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz’ third movie team-up is not Star Cinema’s priority

ADVERTISING

Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz’ third movie team-up is not Star Cinema’s priority

Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz’ third movie team-up is not Star Cinema’s priorityINAMIN NI CLAUDINE Barretto ang nasulat namin dito a few weeks back na simula noong magbati sila ng ate niyang si Gretchen Barretto ay halos araw-araw na silang nagkikita kundi man ay nagtatawagan at nagpapalitan ng text messages.

Sa latest interview ni Claudine, sinabi ng dyowa ni Raymart Santiago na every weekend ay nagkikita silang magkakapatid at hindi lang silang tatlo nina Gretchen at Marjorie kundi pati ang iba pa nilang kapatid na babae. Super bonding silang mag-sisters kaya naman close na close sila ngayon sa isa’t isa.

Itsinika rin ni Claudine na naging emotional ang kanilang naging pagbabati ni Gretchen.

 

ADVERTISING

BULILYASO PA RIN pala ang third movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Priority kasi ngayon ng Star Cinema ang movie project na pagsasamahan nina Lloydie at Angel Locsin. Ito muna ang gagawin ng dalawa matapos ang kanilang highly successful na tambalan sa Imortal.

Ang tsika ni Direk Cathy Garcia-Molina, early next year na lang gagawin ang movie na pagsasamahan muli nina Sarah at Lloydie.

Noong una, ang kampo ni Sarah ang umayaw sa third movie ng aktres with John Lloyd. Hanggang sa parang napapayag na rin daw ang parents ni Sarah na magtambal sila muli ng dyowa ni Shaina Magdayao.

 

NAPANOOD NAMIN ANG isa sa mga entries sa 2011 Cinemalaya Independent Film Festival kamakailan, ang Liberacion ni Adolf Alix, Jr.

Period movie ito na nagtatampok kay Jacky Woo bilang isang Japanese soldier na nagtago sa kagubatan ng Pilipinas matapos ang giyera.

“Based ‘yon sa mga stories na nakuha namin sa research,” esplika ni Direk Adolf.

“‘Yung huling bumaba, ‘yung sa Hawaii, 1991. ‘Yung sa atin kasi, ‘yung pinakamatagal na naka-record I think 30 years. Gano’n kasi sila kasi may superior sila.”

First time ni Direk Adolf to work with Jacky Woo and he enjoyed the experience.

 

BLIND ITEM: KUNG titingnan mo ang aktres na ito ay parang napaka-refined. Wala sa hitsura niya na bungangera siya at walang pakundangan kung magsalita.

In the company of her friends pala ay iba ang drama ng young actress. Napakaprangka nito at mahihiya ang taong makakarinig sa mga ginagamit niyang salita.

Parang balewala lang sa young actress kung marinig man siyang nagkukuwento ng kalaswaan. Siya pa mismo ang nagtsitsika kung ano ang ginagawa nila ng kanyang boyfriend. Walang keber ang hitad na ide-talye ang kanilang sexual acrobatics.

Iniintindi na lang ng mga kaibigan ang aktres kapag nasa mood siyang magkuwento ng mga bagay na dapat sana ay sa pagitan lamang ng magdyowa. Napapailing na lang sila kapag iminumuwestra pa ng young star ang sexual positions na kanilang ginagawa.

At magaling ang aktres, ha? Kahit na kasi expe-rienced na siya sa sex ay hindi pa ito nabubuntis.

Sinex ang aktres? Naku, ang unang tatlong letra ng kanyang name ay panlalaki. Gets n’yo na?

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING